Comelec nagpaalala sa mga celebrity na nag-eendorso ng kandidato para sa Eleksyon 2022

James Jimenez

NANAWAGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga celebrity na mag-eendorso ng kandidato para sa Eleksyon 2022 gamit ang kanilang social media accounts.

Nais ipabatid ng Comelec sa mga ito na huwag gamitin ang kanilang TV shows, pati na ang kanilang mga socmed at digital platforms, para ikampanya ang mga kandidato na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon.

Base sa pahayag ng Comelec spokesperson na si James Jimenez, malaki ang posibilidad na magkaproblema o maging isyu ito dahil maaari itong ituring na “donated advertising time.”

“Under election laws, candidates who have programs should take a leave from their programs.

“We do not refer to endorsers, but again it’s good practice to not use their platforms to campaign because that might become an issue in terms of using these platforms for campaign purposes,” bahagi ng pahayag ni Jimenez sa isang panayam.

Paliwanag pa ng opisyal ng Comelec, posibleng maging isyu ang pag-eendorso sa TV ng isang kandidato dahil, “That will be considered donated advertising time, so that will be an issue. 

“So referring to candidates, in the first place, for them to take a leave, but for endorsers to maybe not use their programs or platforms to campaign for candidates because that might be considered donated airtime,” sabi pa ni Jimenez.

Tungkol naman sa mga celebrity na uma-attend sa mga campaign rally bilang host o performers, hindi na raw kailangang mag-leave ng mga ito sa mga regular work nila sa TV.

Sa inilabas naming report kamakailan tungkol sa talent fee ng ilang kilalang artista at performers na sumasalang sa mga campaign rally, aabot daw sa P100 million ang pinakamataas na talent fee na ibinabayad sa isang super sikat na celebrity. 

Kapag kinuha raw ang serbisyo ng isang kilalang actor-singer at TV host, aabot sa P80 million package deal ang singil ng kanyang management. Pero negotiable pa raw ito kaya posible pang bumaba.

Ayon pa sa ating source, nasa P75 million naman ang talent fee para sa level ng isang award-winning female star na umaakting na, sumasayaw pa at marunong pang kumanta — kumbaga all-around ang kanyang peg.

Nasa P60 million naman ang kalibre ng sikat na aktres na napapanood sa telebisyon at pelikula habang umaabot naman sa P25 hanggang P35 million ang sinisingil na talent fee ng ilang sikat na youngstars.

May tinatawag din daw “3rd class” stars na nasa P3 million hanggang P5 million ang TF at “all in” na raw ito. Meaning kasama na lahat diyan — appearance, sing, dance, TV ads, radio at socmed.

Isa pang source ang nakausap namin tungkol dito, aniya, isang kilalang dance group ang naningil ng P200,000 para sa isang sayaw lang habang P150,000 ang ibinayad sa isang hunk actor kapalit ng dalawang kanta at P250,000 naman ang TF ng isang baguhang singer for two songs din.

May mga celebrity naman na “per akyat” ang bayad, kaya kung P1 million ang TF ng sasalang sa stage at naka-10 performance siya sa isang araw, kikita siya ng P10 million a day.

https://bandera.inquirer.net/295603/mga-paru-parong-kandidato-sa-pagka-senador-nakakahiya
https://bandera.inquirer.net/296949/petisyong-i-disqualify-si-bongbong-marcos-isang-pagsusuri
https://bandera.inquirer.net/285136/bilang-ng-mga-rehistradong-botante-para-sa-2022-elections-umabot-na-sa-59m

Read more...