Pepe Herrera kering-keri ang pagiging kakambal ni Piolo: OK naman, normal lang…

Pepe Herrera, Pia Wurtzbach at Piolo Pascual

ANG bongga ng komedyante at theater actor na si Pepe Herrera dahil sa dinami-dami ng artistang lalaki sa showbiz ay siya pa ang napiling gumanap na kakambal ni Piolo Pascual.

In fairness, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Pepe na siya ang magiging twin brother ni Piolo sa upcoming sitcom ng ABS-CBN, ang “My Papa Pi”.

Makakasama rin nila rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na magsisimula nang umere simula sa March 5. 

Birong reaksyon ni Pepe nang malaman niyang siya ang gaganap na kakambal ni Piolo sa nasabing comedy show sa naganap na virtual media conference last Saturday, “Okay lang naman, normal.” 

Sumeryoso naman agad ang aktor at sinabing napakaswerte niya na siya ang napiling makasama nina Piolo at Pia sa show, “I feel very blessed and grateful.”

Sey pa ni Pepe, na-excite rin siya na makatrabaho uli si Direk Cathy Garcia-Molina makalipas ang halos walong taon. Huli silang nagkatrabaho noong 2014 sa seryeng “Forevermore” nima Liza Soberano at Enrique Gil.

“Matagal ko na rin siya gusto makatrabaho. Si Direk Cathy gusto ko makatrabaho ulit kasi siya yung first ko sa TV 2014. Tapos nun di ko na siya ulit nakatrabaho,” sabi ng Kapuso comedian.


Sey pa ni Pepe patungkol sa mga bida ng “My Papa Pi”, “Si Pia at si Piolo nakikita ko lang sa TV or sa ASAP. Naku-curious ako sa kanila. I wanted to get to know them. Hopefully, be friends with them. Ito na nga, nagkatotoo na.”

Tinanong din siya kung ano ang ginawa niyang preparation para sa kanyang role, ani Pepe maswerte rin dahil sumakto ang present look niya kung ano ang hinihingi ng role.

“Kasi sa training po namin sa theater, doesn’t matter kung maiksi yung buhok o mahaba. Although, sobrang blessing in disguise na maiksi buhok ko ngayon, maiksi rin buhok ni Papa Pi. Baka blessing in disguise,” sabi pa ng veteran comedian.

Sa “My Papa Pi,” handog nina Piolo, Pia at Pepe, at buong cast ang mga aral sa buhay, pag-ibig, pagkakaibigan, pagkakaisa, at second chances bukod sa kilig at saya na pangunahing sangkap sa recipe ng programa. 

Kasama rin dito sina Joross Gamboa, Anthony Jennings, ang “Pinoy Big Brother” alumna na si Madam Inutz, Alora Sasam, Hyubs Alarcon at Katya Santos.

Abangan ito tuwing Sabado ng 7 p.m. simula Marso 5 sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. 

https://bandera.inquirer.net/283935/piolo-pascual-may-bagong-baby

https://bandera.inquirer.net/297933/napiling-valentina-bagay-na-bagay-na-kalaban-ni-darna-sino-nga-kaya-siya

https://bandera.inquirer.net/293216/piolo-sa-pagbabalikcbn-ito-ang-pamilya-ko-ito-yung-bahay-ko

Read more...