Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

MUKHANG wala pa talagang suwerte si Barbie Imperial pagdating sa lovelife dahil nauwi na naman sa wala ang relasyon nila ni Diego Loyzaga.

Tanggap naman ito ng Kapamilya young actress dahil in fairness, siya pa talaga ang matapang na humarap sa publiko para aminin ang tunay na estado ng relasyon nila ni Diego.

At feeling namin, unti-unti na ring nakaka-move on si Barbie sa break-up nila ng aktor dahil nagpapaka-busy nga siya ngayon sa pagtatrabaho.

Kamakailan, muling humarap ang dalaga sa members ng entertainment media para sa bago niyang project sa ABS-CBN, ang iWantTFC original series na “The Goodbye Girl” kung saan makakatambal niya ang aktor at dating  MYX VJ na si Turs Daza. 

Dito, nag-share ang dalaga tungkol sa hiwalayan at pagtatapos ng relasyon, “I think I’ve said this before a lot of times already. Hindi ako mabilis mag-give up na girlfriend.

“But if I feel like the other person is not growing with me, that’s the time I say goodbye na talaga.

“Kasi para saan pa ako mag-se-stay if parang wala na akong naaambag sa growth mo?” pahayag ni Barbie.

“Based on experience, ako rin ang naggu-goodbye. Some hindi pero nu’ng nag-grow na ako na-realize ko na maganda rin pala na naggu-goodbye ka ng maayos kahit gaano pa kasakit. 

“Kasi pumasok ka sa relasyon pinaalam mo eh. So alis ka ipaalam mo rin. May mga umaalis din na ginagawa nila yung tama. 

“May mga umaalis na napagod. May mga umaalis na niloko. So for me, siguro sa hindi na lang mas masakit na pag-alis. Yung pag umalis ka dahil mahal mo na yung sarili mo,” paliwanag ng aktres.


Samantala, itinuturing naman niyang “mentor” ang isa pa sa mga bida ng “The Goodbye Girl” na si Angelica Panganiban pagdating sa love lessons.

Ani Barbie, mas naging confident pa raw siya sa pagsasalita tungkol sa iba’t ibang issue nang dahil kay Angelica na itinuturing ngayong Hugot Queen.

“Si ate Angge talaga lahat ng desisyon ko sa buhay iti-text ko talaga siya. Kahit sa skin care, sa ganito, sa ganyan iti-text ko siya. Feeling ko naambunan na ako. Paambon ni Ms. Angelica Panganiban,” sey ni Barbie.

Ito naman ang payo ng dalaga sa mga taong mga malas daw sa lovelife, “Siguro ang mapapayo ko du’n sa mga iniwan, i-take mo lang yung lahat ng time para mag-heal.

“Hindi mo kailangan madaliin and kapag na-feel mo na ready ka na bumangon, ituloy tuloy mo lang. Yung healing naman kasi hindi siya tuluy-tuloy. 

“May mga days pa rin na paakyat ka na bababa then tataas. You just have to remember that this is life eh. We get hurt but we learn from it. So du’n sa experience na yun may makukuha tayo so okay lang na masaktan. Tao ka lang naman,” pahayag pa ni Barbie.

https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siya

https://bandera.inquirer.net/303581/diego-loyzaga-tikom-pa-rin-ang-bibig-ukol-sa-estado-ng-kanilang-relasyon-ni-barbie-imperial

https://bandera.inquirer.net/304843/xian-gaza-nag-sorry-kay-barbie-imperial-naway-mapatawad-mo-ako

Read more...