Oyo gusto nang magpa-sperm count noon; Kristine game pa ring magbuntis kahit 5 na ang anak

Oyo Sotto at Kristine Hermosa

GAME na game pa rin si Kristine Hermosa na magkaroon pa ng mga baby kahit may lima na silang anak ng asawang si Oyo Sotto.

Inamin ng hindi na gaanong aktibong aktres na ayaw pa niyang magpatali sa ngayon at welcome na welcome raw sa kanila ni Oyo sakaling magkaroon pa ng mga kapatid sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, Marvic Valentin, at Vittorio Isaac.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa celebrity couple na mapapanood sa kanyang YouTube channel, naikuwento nina Oyo at Tintin ang tungkol sa pagdating ng bunso nilang si Isaac na itinuturing nilang miracle baby.

Ayon sa mag-asawa hindi talaga planado ang huling pagbubuntis ni Kristine dahil sa kanilang medical condition. Pareho raw silang sumasailalim sa isang treatment para sa kanilang hormones.

“Ang story kasi niyan ni Isaac yung bunso, kaya namin hindi ini-expect na mabubuntis siya kasi at that time bago siya magbuntis, kaming dalawa pareho kaming we were having problems with our hormones. 

“As in nagpa-check kami. May problema ako sa testosterone ko, sa estrogen ko. As in out of whack talaga. Tapos pati siya. So super baba raw ng estrogen niya. Ang nagpapatakbo na lang daw sa kanya is yung testosterone. Nagulat kami,” pahayag ni Oyo.

Pagtataka pa niya, “Nagba-bike naman ako. Nagwo-workout ako. One day nagwo-workout kami, grabe hindi ko mabuhat. As in gusto ko umiyak. Sabi ko bakit ganu’n? Parang biglang nawala yung strength ko.

“Sinabi ng doctor as in napakaliit ng chance na magkaroon pa kayo ng isang baby. Gusto nga magpa-sperm count, eh. Yun na yung sinabi ng doctor na kung okay lang naman magpa-sperm count daw ako kasi yung testosterone ko is very low and yung estrogen ko is sobrang taas. Kaya pala irritable ako.


“Konting ano lang naiinis talaga ako. Inaasar na nga kami ni daddy (Vic Sotto) nu’n, ‘Ano wala na bang kasunod? Grabe pandemic oh, wala bang nangyayari sa inyo?’ Ginaganu’n kami ni daddy. 

“Sabi ko, ‘Sinusubukan nga namin dad eh, pero wala talaga eh.’ Hindi naman namin maikuwento sa kanila lahat nung mga pangyayari. Biglang nagulat kami,” pagbabalik-tanaw pa ng aktor.

Sabi naman ni Kristine, “Hindi planado si Isaac and si Vin. Kasi medyo dikit yung pagitan ni Caleb at ni Vin. Sabi namin, ‘Lord bahala ka na. Kasi ikaw naman ang nakakaalam kung game pa ba ako.’ 

“According to the doctor, yung hormones ko raw pang 65 years old. So wala kaming ginawa. Ginagamot namin yung hormones,” pahayag pa ni Tintin.

At sa tanong nga kung balak pa nilang dagdagan ang kanilang mga anak, “Hindi talaga namin alam sa totoo lang. Kasi wala pang sinasabi si God, eh. At saka ayoko rin naman magpatali.”
https://bandera.inquirer.net/296124/oyo-sinunod-ang-payo-ni-bossing-nung-kasal-nila-ni-kristine-wag-mo-lang-ako-gagayahin-okay-ka-na

https://bandera.inquirer.net/305064/pamilya-ni-oyo-hindi-boto-noon-kay-kristine-mataray-daw-masama-ugali-pero-kabaligtaran-lahat

https://bandera.inquirer.net/292705/oyo-boy-ibinandera-ang-pagmamahal-kay-kristine

Read more...