Vice Ganda at Ogie Acasid
ISA sa mga pangarap ni Vice Ganda noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz ay ang makapag-guest sa Kapuso gag show na “Bubble Gang.”
Ito ang inamin ng Phenomenal Box-office Star sa isang episode ng “It’s Showtime” habang nakikipagchikahan sa dating bida ng “Bubble Gang” na si Ogie Alcasid.
Kuwento ni Vice, gustung-gusto niya raw talagang maging guest noon sa nasabing comedy program ng GMA 7 pero hindi raw iyon nangyari.
Magkasama na ngayon sina Vice at Ogie sa noontime show ng Kapamilya network at sa segment nga nilang “Showtime Sexy Babe”, biglang natanong ni Ogie ang Unkabogable Star kung ano nga ba ang “Bubble Gang acting.”
Tugon ni Vice, “Ewan ko. Di naman ako nakapag-guest doon. Alam mo, dati, lagi akong guest sa Idol Ko si Kap, pero diyan (Bubble Gang), di ako nakapag-guest.”
Ang tinutukoy naman ni Vice na “Idol Ko si Kap” ay ang dating sitcom ni Sen. Bong Revilla sa GMA na napanood mula 2000 hanggang 2005.
Pagpapatuloy ni Vice, “Dream ko iyan dati, yung Bubble Gang.” Sey naman ni Ogie baka raw kasi ang mahal ng talent fee niya kaya hindi siya kinukuha para mag-guest sa nasabing gag show.
Natatawang sagot naman ni Vice, “Hindi. Ang taas lang ng standards n’yo. Di ako pasok.”
Matatandaang ilang beses ding napanood sa Kapuso station si Vice at siya mismo ang nagsabi na una siyang naging Kapuso nang mapasama siya sa afternoon series na “Saang Sulok Ng Langit” noong 2005 na pinagbidahan ni Maxene Magalona.
“Iyan ang unang teleserye ko. Di ba, walang nakakaalala? Kahit nga GMA, di nila naaalala na galing ako doon,” pag-alala pa ni Vice.
Minsan na ring nakapagbiro noon si Vice na baka raw lumipat na siya sa GMA dahil sa “pananakit” sa kanya ng mga co-host niya sa “Showtime.”
Ito yung naitulak siya ni Vhong Navarro sa stage ng “Tawag ng Tanghalan”, “Bakit ba tinutulak niyo ko ngayong araw? Kanina pa nakadalawang tulak na kayo!”
Sey naman ni Anne Curtis, “E, bakit kasi parang ang bilis mo matumba?” Na sinagot ng komedyante ng, “Nagpapatawa lang tapos nananakit kayo.”
Hirit uli ni Vhong kay Vice, “Ito kasi, mabilis ma-fall!” Sagot naman ng dyowa ni Ion Perez, “Mabilis ma-fall, kahit di ma-fall, tinulak mo ako!”
“Ganyan kayo dito, nagtatrabaho lang mapagtulak kayo. Pagod na pagod na ako, nananakit kayo! Pag ako lang talaga, in-offeran sa GMA, lilipat ako! Pagod na pagod na ako dito, e!
“Patawa ka nang patawa, kahit may sakit ka magpapatawa ka! ‘Tapos pag nakakatawa ka, itutulak ka, anong klaseng samahan meron itong Kapamilya?
“Bad trip kayo, lahat na lang! Minsan talaga nag-iisip ako, gusto ko talagang maranasan yung Kapuso, e. Pag may nag-offer lang talaga doon.
“Babalik ako, kahit co-host ako ni Susan Enriquez, sinasabi ko sa inyo babalik ako doon,” biro pang sabi ni Vice.
https://bandera.inquirer.net/300214/mikoy-na-intimidate-sa-unang-salang-sa-bubble-gang-iba-ang-epekto-sa-akin-ni-kuya-bitoy
https://bandera.inquirer.net/303740/ilang-kapuso-stars-matindi-ang-loyalty-sa-bubble-gang-napakaswerte-namin-grabe
https://bandera.inquirer.net/294704/kuya-kim-pangarap-ding-makatrabaho-si-bitoy-sa-bubble-gang-may-bwelta-sa-bashers