Zoren Legaspi at Mavy Legaspi
FEELING lucky ang Kapuso actor at TV host na si Zoren Legaspi sa pagkakaroon ng lalaking anak tulad ni Mavy Legaspi.
Pagkatapos bigyan ng pa-tribute ang kanyang daughter na si Cassy, si Mavy naman ang ipinagmalaki nang bonggang-bongga ni Zoren sa publiko sa pamamagitan ng social media.
Nag-post ang mister ni Carmina Villarroel ng cute photo nila ni Mavy sa Instagram kalakip ang kanyang appreciation message sa anak.
Aniya sa caption, “So proud of this boy @mavylegaspi… You have grown into a FINE YOUNG MAN. Ingat pare. @cassy @mina_villaroel, let’s give this young man a big clap.”
Nag-reply naman agad si Mavy sa post ng kanyang daddy, “Haha! I love you, Pa, to the max!”
Bukod dito, nagbahagi rin ang Kapuso young actor at TV host sa Instagram stories ng photo ni Zoren at may nakasulat na, “Brotha for life! @zoren_legaspi.”
Base sa post ni Mavy, ang nasabing litrato ay kuha ng kanyang rumored girlfriend na si Kapuso actress Kyline Alcantara.
* * *
Pasok ang well-loved infotainment program na “AHA!” bilang finalist sa prestihiyosong Prix Jeunesse International Festival 2022.
Isa ang “AHA!” sa shortlisted entries mula sa 41 bansa at kabilang sa daan-daang international children’s programs na nagsumite ngayong taon.
Bukod sa pagiging finalist, makakasama rin ang AHA! sa catalog ng festival 2021/2022 na “Quality in Children’s TV Worldwide.”
Buong-puso ang pasasalamat ni “AHA!” host Drew Arellano sa Prix Jeunesse Foundation para sa pagkilalang ito.
“Thank you for this amazing acknowledgment from a legendary award-giving body. I am honored to be the host of AHA! but it is truly the staff and crew who are the engine and who makes the show fly to ‘AHAstonishing’ heights of success,” sey ni Drew.
“For the past 12 years, AHA! has evolved and adapted to the changing times. The program continues to offer something new and relevant to its audience. Nae-entertain ka na, may natututunan ka pa!” aniya.
Isa ring Anak TV Seal awardee, ang “AHA!” na napapanood tuwing Linggo, 8:15 a.m. sa GMA, ay makailang beses nang kinilala ng iba’t ibang lokal na award-giving bodies. Marami na ring parangal ang napanalunan ni Drew bilang educational program host. Labingdawang taon nang namamayagpag sa ere ang programa.
Ang Prix Jeunesse International Festival ay itinuturing na Oscars of Children’s TV. Isa itong bi-annual festival na naglalayong bigyang-pugay ang mga natatanging produksyon sa telebisyon para sa mga bata.
Ito ay inoorganisa ng Prix Jeunesse Foundation na itinatag noong 1964. Ang tema para sa taong ito ay “Listen to kids TV: The Power of Sound.” Gaganapin ang awarding ceremonies sa Munich, Germany ngayong Hunyo.
https://bandera.inquirer.net/286547/si-kyline-alcantara-nga-ba-ang-mystery-girl-sa-buhay-ni-mavy-legaspi
https://bandera.inquirer.net/300895/zoren-kakaibang-iyak-ang-ipinakita-sa-the-end-of-us-para-hindi-ako-pagtawanan-ng-kambal
https://bandera.inquirer.net/286815/mavy-kyline-magtatambal-sa-i-left-my-heart-in-sorsogon-ex-hashtag-member-kapuso-na-rin