Rico Blanco
AMINADO ang OPM artist na si Rico Blanco na na-miss din niya ang pag-arte sa harap ng mga camera makalipas ang mahigit isang dekada.
Nagpapasalamat siya sa ABS-CBN na nabigyan uli siya ng pagkakataon na makagawa ng TV series kung saan makakasama nga niya ang kanyang girlfriend na si Maris Racal.
Bibida ang real life partners sa “The Bitter Hopia” episode ng iWantTFC original series na “The Goodbye Girl” na magsisimula na ngayong Feb. 14, Valentine’s Day. Ito’y mula sa Dreamscape Entertainment at Clever Minds.
Huli pang napanood si Rico na umaakting bilang kontrabida sa hit at classic Kapamilya fantaserye na “Imortal” na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.
“It’s good to be back. It’s good to be part of creating a visual and acting. I’m not ashamed talaga to say na all these years I love to act.
“I think our episode in The Goodbye Girl is a very relatable episode. We’ve somehow all been on either side of both characters Ria and Caio,” kuwento ng singer-songwriter sa online presscon ng “The Goodbye Girl” kamakailan.
Patuloy pang chika ni Rico, “I think kasi yung roles ko dati was iba iba. I think yung role ko sa Imortal medyo mabigat and it had to be mabigat for me to change.
“For me analogy yun eh, kasi nagbago yung pagkatao, kinain talaga ako. So it was very heavy and it’s out of this world yung analogy. But a lot of it is real.
“Ito, this role is like so real kasi it’s not exaggerated and parang it’s so everyday yung mga situation. But I think deep inside pareho din yung nag-o-operate kasi there’s always a human being serious about living his life in any character I play. That’s how I approach it,” paliwanag pa ni Rico sa kanyang bagong role.
Parehong malapit sa puso niya ang musika at acting, “It’s really reading the script, not just reading yung episode namin. Ako I read the whole thing, even the other episodes para magkaroon ako ng context kung seryoso ba ‘to, may konting lightness lang ba o ano ba ‘to?
“And then of course no matter how you prepare, when I get there I talked to direk Derick (Cabrido). Marami talagang possibilities and that’s why I enjoy the craft. The preparation for me was really just hindi ko alam kung kaya ko pa mag-memorize ng lines kasi matagal na akong hindi nag-memorize. Ha-hahaha!
“Sabi ko kahit mga kanta ko hindi ko na memorize. So ayun lang. Madali naman bumalik. It’s just that hindi lang ako sure then pagdating dun masaya pala. Especially in the recent years na mas nag-behind-the-scenes ako sa music video production.
“Feeling ko na-relax na ako pag nag-ro-roll na yung tape. Dati kasi may konting adrenaline kapag sinabing game na eh. Ngayon dahil naging part heavily ako nu’ng behind-the-scenes, hindi na siya nagpapakaba sa akin,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/304751/rico-blanco-super-in-love-kay-maris-racal-nakaka-happy-yung-vibe-niya-it-brings-out-the-best-in-me
https://bandera.inquirer.net/293658/rico-nagpakilig-sa-pagbati-kay-maris-happy-birthday-madam-love-you-so-much-po
https://bandera.inquirer.net/280047/si-maris-racal-nga-ba-ang-nagparamdam-kay-rico-blanco