BUONG tapang na tinawag ng social media influencer na si Saab Magalona ang US Embassy in the Philippines at Federal Bureau Investigation (FBI) sa post ng isang media organization kung saan makikita si Pastor Apollo Quiboloy.
Kuha ang mga larawan sa naganap na send-off ceremony ng “Mahalin Natin Ang Pilipinas” national caravan ni Davao City Mayor Sara Duterte kung saan makikita na pinagpe-pray over siya ng pastor.
Kasama rin sa mga larawan ang mga tumatakbo sa pagkasenador na sina Harry Roque at Jinggoy Estrada.
Sey ni Saab sa kanyang tweet, “Hi @FBI @USEmbassyPH”
Hi @FBI @USEmbassyPH https://t.co/bdXL1SH6Gc
— Saab #LeniKiko2022 (@saabmagalona) February 5, 2022
Kamakailan ay naglabas ang Federal Bureau Investigation (FBI) ng wanted order laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy dahil sa kaso nitong sex trafficking noong February 4, 2022.
Maliban sa pastor ay pinaghahahanap rin sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag na miyembro rin ng kanyang sekta.
Kahit ang mga netizens ay nakisali rin sa ginawang pagre-retweet ni Saab.
“You can arrest the man here,” saad ng isang netizen.
“Saab making thre work easier for them. HAHAHA. GOLD,” sey pa ng isang Twitter user.
“FBI, make sure that you’re going to apprehend this man,” hirit pa ng isa.
Matatandaang noong Nobyembre 19, 2021 ay inanunsyo ng U.S. prosecutors na sinampahan nila ng kasong sex trafficking si Quiboloy ang ang iba pang miyembro ng kanyang simbahan dahil sa diumano’y pang-aabuso ng mga ito sa mga kababaihan na may edad mula 12 hanggang 25.
Si Quiboloy ay kilala bilang spiritual adviser at isa sa mga matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Related Chika:
Apollo Quiboloy ‘wanted’ sa FBI, dalawa pang miyembro pinaghahahanap rin
Saab Magalona nag-celebrate ng 4th birthday ni Pancho, inalala rin ang pumanaw na anak
Babala ni Quiboloy sa mga bumabanat sa kanya: Makikita n’yo ang mas matindi pa sa Omicron virus