ALJUR ‘tinakot’ ni BINOE kaya alagang-alaga si KYLIE


Feel na feel namin na abot-langit talaga ang pagmamahal ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla. In fairness, diretso na siyang sumagot ngayon kapag ang dalaga na ang pinag-uusapan.

Nu’ng tanungin nga siya sa presscon ng reunion soap nila ni Kris Bernal na Prinsesa Ng Buhay Ko na magsisimula na sa darating na Lunes sa GMA bago mag-24 Oras, kung sino ba ang huling babaeng sinabihan niya ng, “Ikaw ang prinsesa ng buhay ko,” si Kylie ang mabilis niyang sagot.

“Hindi ko lang maalala kung kailan, pero ang alam ko siya ang huli,” sey ni Aljur. Madalas makita ang dalawa na nagdi-dinner sa mga hindi mataong restaurant sa Quezon City, at base sa mga nakakarating sa aming balita, sobra raw kung alagaan ni Aljur si Kylie, prinsesang-prinsesa talaga ang turing niya sa anak ni Robin Padilla.

Biro naman ng isang source natin, “Naku, dapat lang na alagaan niya si Kylie, ‘no! Lagot siya kay Binoe! Hindi kaya talagang tinakot o pinagbantaan ni Robin si Aljur?

Kasi, di ba, dati hindi siya boto kay Aljur, pero ngayon parang may go signal na siya!?” Anyway, marami rin ang natutuwa sa pagbabalik-tambalan nina Aljur at Kris sa Prinsesa Ng Buhay Ko, at ayon nga sa production ng show, malaki na ang development sa kanilang loveteam, mas nag-mature na raw ang kanilang acting.

“Siguro kasi, ito kasi napansin ko din kay Kris, habang tumatagal, as we go along sa bawat trabaho, sa bawat pagsubok ng buhay na dinadaanan namin, nakikita ko na mas minamahal namin ang trabaho namin.

Mas nagiging seryoso kami. Yung dynamics (acting), yung atake ng pag-arte siguro mas naging seryoso lang ako, e. In short, yung pinaghuhugutan ko po is yung maturity bilang isang tao.

Kaya siguro napapansin nila iyon,” tuluy-tuloy na chika ng hunk actor.

( Photo credit to Google )

Read more...