Nabuntis ng BF (2)

Sulat mula kay Dory ng Malitbog, New, Corella, Davao del Norte
Problema:
1.      Malaki ang problema ko sa ngayon, kasi po nabuntis ako ng boyfriend ko at ang buong akala ko ay papakasalan nya ko, dahil yon ang pangako nya. Pero hindi na po ito mangyayari dahil inamin nya na sa akin ang katotohanang may asawa at pamilya na daw siya. Ang gusto nya ngayong mangyari ay ipalaglag ko na lang ang baby, kaya hindi ako pumayag.
Kung ganon daw, uuwi muna siya sa probinsiya nila at kakausapin nya ang kanyang asawa, kung saan parang ang gusto nyang sabihin makikipag-hiwalay na daw siya sa asawa nya para habang buhay na kaming magkasama.
2.      Ang tanong ko po ay totohanin kaya nya ang pangako
niyang ito? At sa sandaling umuwi siya sa probinsiya nila, natatakot ako baka hindi na siya bumalik? Ano po ba sa palagay nyo, babalikan pa kaya ako ng boyfriend kong ito kahit na may asawa na siya? July 7, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Dory ng  Davao del Norte     
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi ka na babalikan ng boyfriend mong may asawa na sa sandaling siya ay umuwi sa kanilang probinsiya lalo na kung siya ay isinilang sa zodiac sign na Leo o kaya’y Aquarius. Dahil ang lalaking makakatuluyan mo at makakasama habang buhay ay isang Scorpio. Ibig sabihin kung Scorpio ang boyfriend mo, walang duda siya na nga ang makakasama mo habang buhay kahit sabihin pang may asawa at pamilya na siya.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay weak number. Ibig sabihin ikaw ay nagtataglay din ng weak personality at dahil mahina ang iyong pagkatao, lagi kang lolokohin at iisahan ng mga lalaki. Matatapos ang mga panlolokong ito ng mga kalalakihan kung ikaw ay makakatagpo ng panibagong boyfriend na may birth date na 2, 11, 20 I kaya’y 29. Ang nasabing mga lalaki ang ka-compatible mo na makakasama mo habang buhay.
Huling payo at paalala:
Dory ayon sa iyong kapalaran, hindi mo makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend na may asawa na. Ganon paman ang pinagbubuntis mong baby sa ngayon ang magdadala sayo sa panibagong pag-asawa at masuwerteng pamumuhay. Sa sandaling naisilang mo na siya, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang kusang mangyayari, kabilang na rito ang pagdating ng ikalawang lalaking binata na nagtataglay ng initial na J.A. Ang nasabing lalaki na may zodiac sign na Scorpio ang siya na ngang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya na nakatakdang mangyari at matupad sa susunod na taon 2014 sa edad mong 25 pataas.

Read more...