ROBIN tinawag na plastik, MARIEL napikon…mga tsismosa tinalakan

NAPIKON si Mariel Rodriguez sa bumatikos sa kanyang asawang si Robin Padilla. Kinunan kasi yata ni Mariel si Robin habang nagbibigay ng tulong sa isang tila pulubi noong nasa ibang bansa sila.

Patalikod ang kuha kay Robin at medyo malayo. Mariel posted it sa kanyang Instagram account and no sooner ay marami ang nag-react. Kabilang sa reaction ang pambabatikos sa ginawa ni Robin.

The photo came with this caption, “He shares his blessings to everyone in need. venetians and ofws…i am a witness to this…as in everyone he sees. he helps not only in the philippines but anywhere and everwhere. @robinhoodpadilla.”

Merong nag-react kung para sa movie raw ang ginawang ito ni Robin at bakit daw biglang napatingin si Robin. They are also asking kung bakit daw kailangan pang i-post sa social media ang ginawang iyon ni Robin.

Sinagot ni Mariel ang mga tanong. She said na napatingin nga sa kanya si Robin and asked her kung bakit niya kinunan ng photo ang ginawa niya. She also said na Instagram account niya iyon kaya karapatan niyang i-post kung ano ang gusto niyang i-post.

Marami ang kumampi kay Mariel at humanga sa ginawa ni Robin, “It only shows that he has a big heart & he is a good man. God bless!” one fan said,

“Inggit lng mga yan at gusto ata niya sya ang bibigyan ng tulong haha kaloka,” pananaray ng isa.  “Unang una ig to ni ms @marieltpadilla kaya nga sya ngpopost e, bkit pa sya gumawa ng account kung d nya ipopost ang gusto nya diba, npakaganda nga ng post e nkakainspire nakakatouch, bkit may mga taong nega?!” sabi naman ng isa pa.

A fan na bilib sa generosity ni Robin said, “Saludo po kami kay @robinhoodpadilla!!? Yan ang totoong Tao!!! Galing sa sariling bulsa at pinaghirapan nya. Sana dumami pa ang katulad mo si @robinhoodpadilla.?”

“Isa kang mabuting tao alam nmin lahat mga tinutulungan mo kahit dka pulitiko galing sa pinagtrabahuhan mo ang ipinangtutulong mo sa tao… more blessings pa sana dumating sa iyo at kay mariel,” say naman ng isang Robin believer.

Robin is known far and wide as very matulungin. Last Christmas, he invited some media friends in his house and gave them P10,000 each as Christmas gift. Siya lamang ang nagbigay ng ganoon kalaking gift sa press.

( Photo credit to Google )

Read more...