ANGEL ipapasa ang bato ni DARNA kay YAM CONCEPCION

Dalawang linggo na lang palang mapapanood ang Dugong Buhay at nag-last taping day na sila noong nakaraang linggo, aminadong nalulungkot na ang buong cast at ang production dahil mami-miss nila ang masasayang araw nilang magkakasama.

Sobrang seryoso ang kuwento ng Dugong Buhay, pero kapag wala sa harap ng kamera ang buong cast ay wala silang ginawa kundi magtawanan, magbiruan at mag-bonding.

“No dull moments in our taping,” say ng isang taga-production. Samantala, may haka-hakang ang leading lady ni Ejay Falcon sa serye na si Yam Concepcion ang gaganap na Darna sa muling paglipad nito sa telebisyon? Sa kanya raw ipapasa ni Angel Locsin ang bato ni Darna?

Hmmmm, puwede rin naman at medyo hawig din sina Yam at Angel. At marami rin ang nagsasabi na kamukha rin ni Yam ang dating aktres na si Anjanette Abayari na gumanap ding Darna sa isang movie version nito.

May nagkomento naman na bagay ding mag-Darna si Yam dahil Pinay na Pinay din ang beauty niya, bukod pa sa sexy.
Samantala, tungkol naman sa isa pang aktor sa Dugong Buhay na si Arjo Atayde, si Alex Gonzaga raw ang susunod nitong leading lady sa isang soap drama.

( Photo credit to Google )

Read more...