Jake Ejercito, Ellie tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Praise God, we are okay na

Jake Ejercito at Ellie

PROUD COVID-19 survivors din ang  Kapamilya actor na si Jake Ejercito at ang kanyang 10-year-old daughter nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Ibinalita ni Jake sa madlang pipol na naka-recover na sila ni Ellie mula sa virus pagkatapos mag-quarantine at magpagaling sa kanilang bahay nang halos dalawang linggo.

Ayon sa aktor, nakaranas sila ng anak ng mild symptoms kaya ilang araw lamang ay bumuti na ang kanilang kundisyon.

“No one is safe and we were just here isolated for 10 days. Fortunately enough, mild symptoms lang naman. 

“Si Ellie had fever for a few days. Sa akin more on sa throat and colds lang. Praise God we are okay,” ang pahayag ni Jake sa panayam “Inside News” sa YouTube channel ng Star Magic.

Sa isang panayam, nabanggit ni Jake na hindi naman sila lumalabas ni Ellie kapag magkasama sila dito sa Maynila.

“Kapag nandito lang kami sa Manila, nandito lang kami sa bahay, talagang we bond more deeper and now she’s already 10, siyempre mas nagiging more meaningful and mas malalim ang conversation which is something I’ve really been enjoying,” aniya.


Samantala, maswerte talagang maituturing si Jake dahil pagkatapos na pagkatapos ng unang serye niya sa ABS-CBN na “Marry Me, Marry You” ay meron na agad siyang bagong project.

Kasama na rin siya ngayon sa Kapamilya primetime series na “The Broken Marriage Vow” na pinagbibidaban nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo with Sue Ramirez and Zaijian Jaranilla.

Kuwento ni Jake, “Feeling ko mas gugulo ‘yung kuwento, mas gugulo rin ang buhay ng mga Ilustre dahil sa character ko.

“It’s a different experience kasi one out of town kami nasa Baguio kami unlike ‘Marry Me, Marry You’ malapit lang kami rito.

“It’s also different kasi I came in in the middle of cycle na. They were already in Baguio for a month and I only entered for the last three or so weeks. 

“Pero ganoon din kinakabahan kasi si Ate Jodi, si Kuya Z (Zanjoe) ang gagaling, pati si Zaijian. Talagang you are forced to bring your A game. 

“At alam natin na it’s a big show kasi adaptation ‘yan ng ‘Doctor Foster’ at ‘World of the Married,’ so alam natin na sinubaybayan at nagustuhan siya ng maraming viewers. So talagang A game kaming lahat,” ang pahayag pa ng celebrity daddy.

https://bandera.inquirer.net/297267/jake-kay-ellie-i-have-no-choice-but-i-spoil-siya-kasi-minsan-lang-kami-magkasama

https://bandera.inquirer.net/282396/jake-masaya-sa-co-parenting-setup-nila-ni-andi-nakikita-ko-kay-ellie-na-hindi-na-siya-nahihirapan

https://bandera.inquirer.net/300286/jennylyn-iniwan-agad-ni-dennis-1-araw-pagkatapos-magpakasal-siyempre-nakakalungkot

Read more...