Saab Magalona nag-celebrate ng 4th birthday ni Pancho, inalala rin ang pumanaw na anak

Saab Magalona nag-celebrate ng 4th birthday ni Pancho, inalala rin ang pumanaw na anak

MASAYANG ipinagdiwang ng mag-asawang sina Saab Magalona at Jim Bacarro ang ika-apat na kaarawan ng kanilang anak na si Pancho.

Sa Instagram story ng anak ni Francis Magalona, ibinahagi niya ang mga larawan nila ng kanilang simpleng party para sa anak.

“Each day with you is a cause for celebration. You saved my life when you fought for yours. Thanks Puddy!

“Happiest 4th birthday, my Pancho!!!!” saad ni Saab.

Sa kabila naman ng kanilang pagse-celebrate ag hindi naman nakalimutan ng mag-asawa na alalahanin ang isa pa nilang anak na si Luna Isabel.

Si Luna ay ang kambal ni Pancho na pumanaw noon bago pa ito maipanganak.

“Today as we celebrate Pancho’s birthday, se also remember hos twin sister, our Anfel Luna. You’re always in out hearts, my moon,” sey ni Saab.

“You saved my life when you fought for yours – so beautifully written, Saan. I cry! You have such a bog heart. Happy birthday to your precious Pancho!” saad ng isang netizen.

“This got me sobbing. I don’t know why.. Happy birthday, Pancho and Luna!!!” pagbati isang netizen.

“OMG this is making me cry,” sey rin ng isa pang netizen.

Ilan rin sa mga bumati kina Pancho at Luna ay sina Megan Young, Paolo Valenciano, at Lauren Young.

Related Chika:
Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you
Saab sinupalpal ang netizen na nangnega sa kanila ni Maxene: Kaka-computer mo yan!
Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Read more...