Kylie inatake ng ‘sepanx’ habang naka-quarantine; feeling ‘recharged’ nang makita ang smile ng 2 anak

Kylie Padilla, Alas Joaquin at Axl Romeo Abrenica

ISANG linggong sasailalim sa mandatory quarantine ang Kapuso actress na si Kylie Padilla bago tuluyang sumabak sa lock-in taping para sa bago niyang teleserye sa GMA 7. 

At dahil nga rito, matagal-tagal na hindi makakasama ng celebrity mommy ang dalawang anak niya kay Aljur Abrenica na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Inamin ni Kylie na talagang “separation anxiety” is real mula nang mapalayo siya sa kanyang mga kids, lalo na kapag naaalala niya ang  kanilang mga bonding moments.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng Kapuso star ang pakikipag-video call niya kina Alas at Axl habang tinatapos ang one week bilang paghahanda sa lock-in taping nila for her upcoming series na “#Bolera.”

Sa inilagay niyang caption, sinabi ni Kylie na feeling “recharged” na siya agad nang nakita at makausap ang mga anak na super excited din nang makita siya.

“I’m ok na for the day. Us working moms just have to keep repeating our mantra to ourselves.

“All our sacrifices are for them. And repeat and repeat. My kids don’t even know the strength they give me just when they smile. Huhuhu,” ang pahayag ng single mom.


Sa comments section ng kanyang IG post, sunud-sunod ang pagpo-post ng message ng mga netizens at halos lahat ng working mommy ay nagsasabing nakaka-relate sila sa pinagdaraanan ni Kylie.

Sey ni @goddess016, “I feel you Kylie… just keep fighting… they are the reason why we still wake up… and get up to work hard! Cheers to all single moms.”

“Mothers love beyond compare,” komento ni @ralyndeguzman.

“I feel you! Also working Mom here. there are times that I felt that Mom guilt and still fighting for what am I doing is for them,” sey pa ng isang IG user.

“Cutie ng dalawa Kuya Alas and Baby Axl lovely kids. soon they will understand. Good Bebeloves @kylienicolepadilla just do the meditation and feel the possitive energy,” komento ng isa pa.

“Stay strong ate kyyy, zoom tayo para di ka bored HAHAHAHA!” chika ng fan ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/288821/kylie-padilla-nagpatutsada-tungkol-sa-sumpa-may-hugot-sa-isyu-ng-pera
https://bandera.inquirer.net/298928/robin-inalala-ang-buhay-preso-sa-vlog-ni-kylie-yun-yung-best-days-namin-ng-mama-mo-yung-nakakulong-ako

https://bandera.inquirer.net/296107/kylie-naubos-raw-ang-savings-aljur-may-utang-pa-kay-kylie

Read more...