Pia ibinandera na rin ang pag-aaring sosyaling branded stuff: Heart made me do it…nakikiuso lang!

Heart Evangelista at Pia Wurtzbach

NAIMPLUWENSIYAHAN ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach pagdating sa pagbandera ng mga signature at branded stuff sa social media.

Naaliw ang mga netizens sa pagpapalitan ng mensahe nina Heart at Pia sa social media nitong nagdaang weekend na may konek pa rin sa mga viral paandar photos ng Kapuso star sa Paris Fashion Week.

Last Saturday, nag-share ang beauty queen-actress at TV host ng mga litrato ng kanyang black Saint Laurent pumps na may YSL logo heel at Dior pouch with gold chain strap.

“Heart made me do it. Hahaha. Nakikiuso lang!” ang inilagay na caption ni Pia sa kanyang  Instagram post.

Ang tinutukoy ni Pia ay ang ipinost ng misis ni Chiz Escudero tungkol sa Saint Laurent’s New Wave SL 276.

“Hahahahahaha, love you,” ang comment ni Heart sa socmed post ni Pia. Ni-repost din niya ang IG story ng beauty queen sa kanyang Instagram page na may caption na, “I live for a queen who shares her crown. You are the real deal.”

May ilang netizens naman ang nangnega sa post ni Pia kaya sinagot niya ito ng, “Sorry nabusy lang. Nagligpit na ko ng kalat hehe. we dont have room for haters in this page!”

In fairness, talagang pinag-usapan ng netizens all over the universe ang ginawang pagrampa ni Heart sa Paris Fashion Week suot ang mga iconic outfits mula sa mga luxury fashion brands na Dior, Louis Vuitton, at Chanel.


Samantala, kinumpirma rin ni Heart sa isang panayam na bibida siya sa  isang upcoming Netflix series. Natapos na raw niya ang nasabing proyekto pero tumangging sabihin kung ano ito.

“Definitely, I did film for a show in Netflix. Hindi ko alam sa totoo lang kung kailan siya lalabas,” sey ng aktres sa panayam ng GMA.

“Kasi with anything abroad siguro, parang ‘di mo siya aasahan, because it’s really destiny for me if you want to achieve anything in Hollywood,” dagdag pa niya.

Nauna rito, napabalita nang magiging bahagi si Heart ng second season ng Netflix reality show “Bling Empire” matapos mag-viral ang litrato ng aktres with Bling Empire star Kane Lim na kuha sa California last year.

Ang “Bling Empire” ay isang hit reality show kung saan tinatalakay ang buhay ng isang grupo ng mayayamang Asian at Asian-American na namumuhay sa Los Angeles. 

Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

Iya hinding-hindi bibili ng mamahaling bag: Sayang ang pera!

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Read more...