Pinay na ka-join sa ‘All Of Us Are Dead’ nakagawa na ng mahigit 80 K-drama, paano naging artista sa Korea?

Noreen Joyce Guerra

PROUD na proud ang mga Filipino K-drama fans sa isang Pinay actress na naka-join sa hit na hit ngayong Korean zombie series na “All Of Us Are Dead.”

Bukod sa mga pangunahing bida at mga kontrabida sa nasabing serye na napapanood sa Netflix, may isang Filipina pala na umeksena rito na usap-usapan na ngayon sa social media.

Siya si Noreen Joyce Guerra, na isang international student sa South Korea at balitang nagpa-part time sa movie productions. Isa siya sa mga estudyanteng nakipaglaban sa mga zombie sa “All Of Us Are Dead”.

Masuwerteng nakasama si Noreen sa nasabing Korean series dahil sa dami ng mga pinagpiliang talents na gaganap bilang mga estudyante sa programa.

Naikuwento ni Noreen sa isang panayam na gumanap siya bilang isa sa mga kaklase ni Yoo In-soo sa “All Of Us Are Dead” na gumanap naman bilang si Yoon Gwi-nam, ang isa sa mga bully sa Hyosan High School.

Sa kanya namang Instagram page, makikita si Noreen sa ilang eksena ng zombie series kung saan ilang beses siyang nakita sa camera.

Nabanggit niya sa caption ng kanyang IG post na halos dalawang taon na ang nakararaan mula nang gawin nila ang naturang serye, “Filmed Almost 2 years ago, and now it’s finally here!!”

Bukod sa “AOUAD”, napanood na rin si Noreen ng iba pang Korean drama at nasa 85 K-drama na ang nagawa niya kabilang na riyan ang “Our Beloved Summer,” “The Encounter,” “Hospital Playlist”, “My Name” at “The Penthouse.”


Sa isang interview ng GMA kay Noreen last year, sinabi niyang nagtungo siya sa South Korea noong 2015 bilang international student at nag-take ng kursong Master of Business Administration sa Sookmyung Women’s University.

Nagtrabaho rin siya roon bilang translator at assistant stage director para sa isang entertainment-related events company.

“Sinabihan ako ng mga producer tsaka director kung gusto ko raw mag-on-cam kasi nga lagi akong off-cam.

“Pwede raw ako mag-on-cam kasi maliit daw ‘yung mukha ko. I tried to submit my profile sa Korean agencies naman that handle Korean talents.

“So ayun, doon ako nakuha, actually. Kaya ‘yun ‘yung reason kung bakit ‘yung mga role ko sa dramas is Korean,” aniya pa.

Umaasa si Noreen na mas marami pa siyang magawang Korean series na kanyang maipagmamalaki bilang isang Pinoy.
https://bandera.inquirer.net/304690/cafeteria-zombie-attack-sa-all-of-us-are-dead-one-take-lang-mga-bida-at-kontrabida-pinag-workshop

https://bandera.inquirer.net/287776/erich-type-bumida-sa-pinoy-version-ng-k-drama-na-mine-walang-balak-mag-quit-sa-showbiz
https://bandera.inquirer.net/295118/ely-umaming-joke-joke-joke-lang-ang-eheads-reunion-but-im-dead-serious-about-our-peoples-future

Read more...