#Anyare: Zsa Zsa biglang napaiyak pagkatapos kumanta kasama sina Regine at Angeline

Zsa Zsa Padilla at Angeline Quinto

BIGLA na lamang umiyak ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla matapos ang production number niya sa “ASAP Natin To” kahapon kasama sina Regine Velasquez at Angeline Quinto.

Hindi napigilan nina Zsa Zsa at Regine ang maging emosyonal habang kumakanta sa “ASAP” stage with the future celebrity mommy na si Angeline. 

Binigyan ng “baby shower” ng Kapamilya Sunday musical show si Angeline kung saan nakasama nga niya sa isang bonggang production number ang Divine Diva at Asia’s Songbird.

Dito kinanta nila ang “Iingatan Ka” ni Carol Banawa, “Hulog Ng Langit” ni Donna Cruz at “Hulog Ka Ng Langit” ni Regine. Pagkatapos nga nito, hindi na napigilan ni Zsa Zsa ang mapaiyak.

Pahayag ng singer-actress, “Kasi naman we’ve seen her grow, as an artist, as a person, and now you’re about to become a mom.”

Sey naman ni Regine kay Angeline, “Welcome to the world of motherhood. We are all here, your family, with you, not to mention, God.”

Sabi ni Angeline, talagang maraming nagbago sa mga pananaw at paniniwala niya sa buhay matapos malamang nagdadalang-tao siya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“Ngayon, hindi na importante sa akin ‘yung materyal na bagay. Ang importante sa akin, may nagagawa ako para sa magiging future ng bata,” chika ng singer at aktres.

Matatandaang ibinandera ni Angeline na magiging mommy na rin siya last December at nakatakda ngang manganak ngayong darating na April.


Sa isang panayam inamin ng singer na may “fear factor” nang malaman niyang buntis siya, “Natakot ako noong una, kasi, sa totoo lang, hindi ko pa nga alam tingnan ‘yung positive at negative sa pregnancy test kasi nasanay ako sa swab.” 

Una niya raw ibinalita ang kanyang kundisyon sa kanyang manager at sumunod nga sa boyfriend niya.

“Sa bahay, wala naman akong sinabihan agad kasi natatakot nga po ako. Una, sa trabaho ko. Paano ko masasabi sa mga katrabaho ko? Pero bukod naman doon, ‘yung takot na pagiging nanay o sa bata, wala naman,” aniya pa.

Regine ‘nag-walkout’ dahil kina Maymay at Zsa Zsa…anyare?

Zsa Zsa hindi nahawa ng COVID, pumunta sa US para magpa-MRI scan dahil sa…

Maja Salvador muling nakasama ang co-stars sa ASAP Natin ‘To!

Read more...