Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize
MAY dream wedding nang naiisip ang Kapamilya actress na si Elisse Joson sakaling dumating na nga ang tamang panahon para sa pag-iisang dibdib nila ni McCoy de Leon.
Inulit ng first-time mom na wala pa talaga sa mga top priorities nila ngayon ni McCoy ang magpakasal ngunit bilang babae ay ini-imagine rin niya kung ano ang magiging look at feel ng kanilang wedding.
“I feel like iniisip ng iba, I want something bongga na malaking wedding. Actually, no. I just want a simple wedding.
“Ang dream ko lang talaga ay sa may dagat. Pero, at the same time, I want to be blessed in the church, as well,” ang pag-amin ni Elisse sa ginanap na online virtual mediacon ng bagong Kapamilya series na “The Goodbye Girl” nitong nagdaang Biyernes.
Kasunod nito, ipinagdiinan nga ng aktres na hindi sila nagmamadali ni McCoy na magpakasal dahil ang focus nila ngayon ay ang pag-aalaga at pagpapalaki sa panganay nilang si Baby Felize.
“Hindi natin dapat minamadali ang bagay-bagay. Everybody has a different timeline and ngayon nga it just so happens na nauna si Felize.
“I think we have so much things to deal with first, baptism ni Felize, inaayos palang ngayon because of the pandemic. Birthday pa niya,” paliwanag ni Elisse.
Aniya pa, “We’re gonna get there. Alam naman namin na we’re for each other already. We just have to take our time. It’s gonna happen.”
Samantala, nabanggit din ng aktres na ibang-iba rin ang nararamdaman nilang “sense of fulfillment” ni McCoy dahil sa pagiging parents.
“Masarap talaga sa feeling because you wake up and you see your child who adores you, looks up to you. It feels great na wala siyang judgment sayo. She just loves you with who you are,” sabi pa ni Elisse.
Isa si Elisse sa mga bibida sa “The Goodbye Girl” na gaganap bilang fiancée ni Josh Colet sa kuwento. Madidiskubre niyang may ibang babae ang kanyang mapapangasawa pero sa halip na iwan ang guy, itutuloy pa rin niya ang pinakaaasam-asam na dream wedding.
Base sa libro ni Noreen Capili, ang “The Goodbye Girl” ay mula sa iWantTFC, directed by Derick Cabrido under Dreamscape Entertainment at Clever Minds co-producing.
Bukod kay Elisse, bibida rin dito sina Angelica Panganiban, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Maris Racal, Rico Blanco, RK Bagatsing, Ronnie Alonte at Turs Daza.
https://bandera.inquirer.net/303196/elisse-sa-part-2-ng-love-story-nila-ni-mccoy-kapag-tumibok-ang-puso-wala-ka-nang-magagawa-kundi-sundin-ito
https://bandera.inquirer.net/299308/elisse-hindi-pinahirapan-ni-baby-felize-sa-pagbubuntis-walang-hilo-walang-suka
https://bandera.inquirer.net/303196/elisse-sa-part-2-ng-love-story-nila-ni-mccoy-kapag-tumibok-ang-puso-wala-ka-nang-magagawa-kundi-sundin-ito