Louise delos Reyes sa pakikipag-live in sa BF: Parang kasal din, wala lang papel

Louise delos Reyes

NANINIWALA pa rin sa kasal ang aktres na si Louise delos Reyes pero sa ngayon mukhang mas gusto muna niyang i-explore at i-enjoy ang pakikipag-live in sa kanyang boyfriend.

Open book naman ang pagsasama ni Louise at ng kanyang non-showbiz boyfriend sa iisang bubong pero hindi niya totally isinasantabi ang pagpapakasal.

“I think alam naman ng mga tao na I’m living in with my boyfriend right now. Parang ganoon (kasal) ang set-up, wala lang papel, pero ino-open mo yung mundo mo kaya maraming factor sa relasyon na dapat i-consider,” ang pahayag ni Louise sa nakaraang mediacon ng latest offering ng Viva Films na “The Wife.”

Patuloy pang paliwanag ng aktres, “Ang kasal kasi, hindi lang siya basta papel. Hindi siya basta pinipirmahan or isang ceremony. Commitment siya. It’s a partnership between two people na nagmamahalan.

“Maraming iko-consider especially kung meron na kayong anak, so hindi basta-basta puwedeng umalis ng bahay dahil ayaw niyo na kasi meron kang responsibility. And responsibility niyo yung isa’t isa, yung commitment ninyo,” aniya pa.

Napag-usapan ang tungkol sa kasal dahil tungkol sa relasyon ng mag-asawa ang pelikulang “The Wife” kung saan makakasama rin ni Louise sina Diego Loyzaga at Cara Gonzales.

Gaganap si Louise na asawa ni Diego sa kuwento habang si Cara naman ang ex-girlfriend ng aktor. Ang isa sa mga nakakalokang twist sa “The Wufe” ay ang pagsasama-sama nila sa iisang bahay dahil sa isang pangyayari na hindi nila kontrolado.

Kuwento ni Louise, pumayag siyang gawin ang maiinit love scene nila ni Diego sa movie dahil naniniwala siyang kailangang ipakita ito sa pelikula.

“Isa siya sa mga essential na eksena sa relationship ng mga karakter namin ni Diego. Inilaban ko naman ang eksena.

“Comfortable ako dahil babae ang aming direktor at director of photography kaya alam ko na aalagaan kami at talagang part ng story,” sabi ni Louise.

Diego pumayag magpakita ng pwet sa bagong movie; walang reaksyon sa mga intriga sa kanila ni Barbie

Cara Gonzales muling napalaban ng hubaran kay Diego; hindi rin nagpatalbog kay Louise

Kim delos Santos matinding pambu-bully ang naranasan bilang nurse sa US: Iniiyakan ko siya…

Read more...