Kim bumilib sa 5 tatakbong pangulo ng Pinas: Kailangan natin ng leader na in-love sa hustisya hindi sa pera

Kim Chiu

MULING naglabas ng matapang na pahayag ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu patungkol sa darating na May, 2022 presidential elections.

Isa si Kim sa mga celebrities na talagang nag-abang at nanood sa “Panata sa Bayan: The 2022 Presidential Candidates Forum” na in-organize ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) nitong nagdaang Feb. 4.

Nagsanib-pwersa sa election event na ito ang KBP at ang malalaking TV stations at mahigit 300 radio station sa buong Pilipinas.

Ayon sa aktres, napakarami niyang natutunan sa limang presidential aspirants na matapang na humarap sa sambayanang Filipino para sagutin ang maiinit na tanong hinggil sa mga isyung hinaharap ng bansa.

Pinuri ng dalaga ang pagsagot nina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson, at ang labor leader na si Ka Leody de Guzman sa tanong kung paano nila patatakbuhin ang bansa kapag sila ang nanalong presidente.

Wala naman ang dating senador na si Bongbong Marcos sa nasabing panayam dahil napasabay umano ito sa interview sa kanya ni Korina Sanchez para sa “Rated Korina”.


Sa pamamagitan ng Twitter, ibinandera ng girlfriend ni Xian Lim ang kanyang saloobin sa napanood na “Panata sa Bayan: The 2022 Presidential Candidates Forum”.

“These brave candidates applying for the highest position in our country. Bravely faced and answered the toughest questions.

“Applying for the Highest and most powerful position is not a joke, one must know their duties and responsibilities at stake. 6 years can change for the good,” sey ni Kim.

Muli, nanawagan ang dalaga sa madlang pipol na maging maingat, wais at mas maging choosy sa pagboto ng mga susunod na leader ng bansa sa darating na May 9, 2022.

“Let’s vote wisely! This is our only chance to be heard. VOTING this election is the most powerful choice that we all have as tax payers and as Filipino Citizen.

“We need leaders not in love with money but in-love with justice. Not in love with publicity but in love with humanity,” pahayag pa ni Kimmy.

Partikular namang nabanggit ng aktres ang pangalan ni Ka Leody dahil sa tapang nito na humarap sa panayam, “As a Citizen of this country, iba ang katapangan na pinakita ni ka Leody kanina. 

“I don’t know his background but knowing that he is there with the rest of the candidates,” sabi pa ng Kapamilya star.

https://bandera.inquirer.net/303638/gma-network-umalma-sa-biased-remark-ng-kampo-ni-marcos-laban-kay-jessica-soho

https://bandera.inquirer.net/292887/hamon-ni-neil-sa-public-official-na-nang-insulto-kay-angel-kung-matapang-ka-talaga-kita-tayo-lalake-sa-lalake

https://bandera.inquirer.net/298462/angel-superhero-ni-liza-i-really-wanted-a-job-that-could-help-people

Read more...