Nadine kering-keri nang labanan ang anxiety at depresyon: But at the end of the day, I’m still human

Nadine Lustre

SA ilang taong pakikipaglaban niya sa mental health problems, mas matapang at mas ready na ngayon si Nadine Lustre na harapin ang kanyang mga takot at pangamba sa buhay.

Ayon sa dalaga, alam na alam na raw niya kung ano ang mga gagawin kapag may naramdaman na siyang “something from within” na siguradong magiging challenge na naman sa kanya.

In fairness, isa si Nadine sa mga local celebrities na hinahangaan ng marami pagdating sa tapang, diskarte at mga prinsipyo sa buhay kaya hindi rin siya iniiwan ng kanyang loyal fans. 

“I still have a long way to go for sure… it’s easier for me to understand things. But at the end of the day, I am still human. 

“At the moment, when I get overwhelmed with just everything that’s going in my life, I still have those days. When I feel like I’m not 100%, it’s normal,” ang pahayag ng aktres sa anniversary issue ng Mega magazine.


Pagpapatuloy pa niya, “I kind of already know how to catch myself when it comes… when I start getting those thoughts, I already know how to catch myself.

“Before I’m always just panicking, I’m like, ‘oh no, oh sh*t, I can feel it, it’s coming, it’s coming.’ Then I start getting my anxiety and panic attacks. But now, before it even happens, I’m able to catch it,” esplika pa ng dalaga.

Inamin ni Nadine sa isa niyang deleted post na taong 2015 nang magsimula siyang makipaglaban sa depression, “I feel like my mind is going crazy, and if my mind is an ocean, my thoughts are a tsunami.” 

“I can’t sleep, I can’t concentrate, I can’t even think straight. I am a mess. I’m coming apart at the seams and it scares me,” aniya pa.

Pero ngayon, proud na proud na nabanggit ng award-winning actress na, “Now every time I go through sh*t, I know I’m going to be okay but I know I have to go through it. 

“There’s a solution for this. I already know, not naman control, but to navigate through these things and how to handle myself. I used to be a worry wart. Worrying about anything that I could think of.

“I had to go through so much to learn how to calm my mind and accept that I can’t control everything. It was tough and it was a lot of work… I’m happy that I can flow with life with no fear,” dagdag pa ni Nadine na patuloy pa rin ang pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette sa isla ng Siargao.

https://bandera.inquirer.net/296416/nadine-sinupalpal-ang-netizen-naghahanda-sa-pagbabalik-pelikula

https://bandera.inquirer.net/293677/si-nadine-lustre-na-nga-ba-ang-bagong-andi-eigenmann
https://bandera.inquirer.net/297395/cristy-muling-binanatan-si-nadine-wala-akong-planong-panoorin-siya

Read more...