Melai Cantiveros kakasuhan ang nanglait sa anak: Humanda ka!

Melai kakasuhan ang nanglait sa anak: Humanda ka!

NAGBIGAY ng babala ang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa isang netizen na nanglait sa kanyang anak.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang screenshot ng palitan nila ng comments ng netizen na may username na @stan.francine.chin.

“Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa NBI ang account mo. Mahahanap kita at idedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko, kahit itlog ka kahit mag-deactivate ka, alam ko fans ka ni Francine [Diaz] mahahanap kita,” saad ni Melai sa kanyang caption.

Sa nasabing screenshot ay makikita ang comment ng netizen na “Epal mo din e ano. ‘Wag mo i-ship si Kyle kay Chie. Anak mo nga ang pangit.”

Base sa kanyang username ay halatang fan siya ni Francine Diaz at nagagalit ito sa tila pang-aasar ni Melai sa ka-love team niyang si Kyle Echarri kay Chie Filomeno nang mag-guest ito sa “Magandang Buhay”.

Naging malapit kasi sina Kyle at Chie nang pumasok sila sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” bilang celebrity housemates.

Hindi naman mapigilan ng mga kaibigan at kasama sa industriya gaya nina Karen Reyes, Darla Sauler, st Juliana Parizcova Segovia ang mag-comment sa post ni Melai dahil rin sa gigil sa pangdadamay ng netizen sa kanyang anak.

“Dapat lang yan sa mga ganyang tao te mels,” saad ni Karen.

Comment naman ni Darla, “Nakakaloka yan ha! Pahanap natin yan!”

“Ay hindi makatarungan yan. Bigyan ng leksyon yan momsh,” sey naman ni Juliana.

May mga fans naman si Francine na nagreklamo sa TV host-comedienne at huwag na raw sanang i-tag ang dalaga pero ipinaliwanag niya na dapat lang na malaman ni Francine ang klase ng supporter niya na di dapat tularan ng iba pa.

Makalipas ang ilang oras ay muling nag-post si Melai ng screenshot ng kanilang pag-uusap privately.

Sa screenshot ay makikita ang pagpapaliwanag ng fan at pagdedeny na hindi siya ang may gawa ng comment.

Sinabihan naman siya ni Melai na magsorry na lang dahil mabilis naman daw siyang magpatawad.

Sa huli ay nag-sorry na rin ang fan.

“Ito na nga closure ng BasherSerye ng hapon ko ngayun. Nag-reach out naman siya at marami sinasabi, na hindi naman ako maniwala na hindi siya nagcomment nun pero syempre sino ba ako para di mapakinggan ang side nya at di siya mapatawad.

“Hayan maging lesson yan na wag basta magpadala sa feelings tapos pipindut nalang na di inaalam kung may mahuhurt ka ba na damdamin, matuto tayo rumespeto ng tao. Respeto is the key para sa matiwasay na buhay, kung di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao irespeto mo, and lets mind our own business at last magpatawad at magmahalan,” sey ni Melai.

Humingi rin siya ng paumanhin kay Francine dahil nadamay ang pangalan niya sa ganap.

“And kay bebegirl @francinesdiaz pasensya kana bebe at nadamay name mu dito at alam kong maiintindihan mu naman kung saan ito nangagaling.”

Related Chika:
Melai lucky charm nina Toni at Alex: Sobrang swerte ko na naging friends ko sila!
Melai umamin: Plano ko talaga noon mag-abroad at mag-asawa ng Amerikanong matanda

 

Read more...