Diether Ocampo sugatan matapos mabangga sa Makati

Diether Ocampo sugatan matapos mabangga sa Makati

WASAK na wasak ang harap ng sinasakyang SUV ng aktor na si Diether Ocampo matapos itong bumangga sa isang garbage truck sa Osmeña Highway sa Makati ngayong Byernes ng madaling araw, February 4.

Ayon sa intial report na inilabas, minamaneho raw ng aktor ang kanyang sasakyan sa southbound lane ng service road at nabigla na lamang ang driver ng nakaparadang garbage truck nang sumalpok ang SUV.

Umangat ang hood ng sasakyan ni Diether at maging ang bumper nito ay umurong sa sobrang lakas ng pagkakabangga nito.

Wala namang nasaktan sa kampo ng nabanggang truck.

Agad namang rumesponde ang Philippine Red Cross para tulungan si Diether at itakbo sa Makati Medical Center.

“Parang nagre-resist siya, parang ayaw magpadala, ayaw siyang magpakuha sa mga Red Cross personnel,” saad ng responder na si Joey Alicante, miyembro ng Bantay Bayan ng Barangay Pio del Pilar, ayon sa Teleradyo report.

“Naka-hazard naman ‘yung dump truck. Hindi niya (Diether) siguro napansin… Positive po, nakainom,” dagdag pa ni Alicante.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng aktor ukol sa kasalukuyang kalagayan nito.

Related Chika:
Diether 7 taon nawala sa showbiz, naging choosy na ba sa projects?

Read more...