Robin Padilla
“INTINDIHIN muna nila bago nila ako husgahan.” Ito ang pahayag ni Robin Padilla tungkol sa usapin ng pangangaliwa sa asawa o panloloko sa dyowa.
Ipinagdiinin ng action star at kumakandidato ngayon sa pagkasenador para sa darating na May, 2022 elections na kahit kailan ay hindi niya sinabi na mang-cheat ang isang tao.
May konek pa rin ang isyung ito sa nabanggit niya noong kasagsagan ng kontrobersyal na paghihiwalay ng kanyang anak na si Kylie Padilla at ni Aljur Abrenica na naiintindihan niya ang umano’y pambababae ng hunk aktor.
At sa panayam nga ng “Headstart” sa kanya ngayong araw, nilinaw ni Binoe ang naging pahayag niya tungkol sa usaping panloloko na nauna nga niyang sa isang vlog ni Ogie Diaz.
“Yung gumagawa ng isyu na ‘yan ay hindi niya napanood ang buong interview. Kasi kung napanood niya ang buong interview, ang sinasabi kong una, ‘yung cheating na ‘yan ay hindi pagnanakaw ‘yan.
“Ang cheating tumingin ka lang sa isang babae, sa Islam kasi cheating na ‘yun kahit wala kang ginawa, basta nag-isip ka, cheating na ‘yon,” pahayag ng mister ni Mariel Rodriguez.
Depensa pa niya nang sabihing nauunawaan niya si Aljur nang mababae umano ito, “Imposibleng hindi maglaro ‘yan sa isip ng isang lalaki. Magdududa pa ako dito sa aking son-in-law kung hindi kailanman pumasok sa isip niya na… come on, di ba?
“Wow! Eh may problema ka kung hindi ‘yan pumapasok sa isip mo. Hindi ko naman sinasabi na gawin mo. Hindi ko sinabing, ‘Sige, gawin mo. Ako bahala sa iyo,'” paliwanag pa niya.
“At yung sinabi ko pa na mag-Muslim ka, kasi po ako ini-example ko ang sarili ko. Noong nag-Muslim ako, nabago ko ‘yung sarili ko. Wala po akong sinabi diyan na polygamy.
“Ang sinabi ko lang noon na kung ako sa kanya mag-Muslim ka kasi magbabago ang iyong mentality. Kasi sa Islam kailangan mong pakasalan, ‘di ba?
“Pero hindi ko kailanman sinabi na mang-cheat tayo man. Hindi ‘yung ‘gawin mo’, hindi,” katwiran pa niya.
Sa isang vlog naman ni Mariel, nauna nang ipinaliwanag ni Binoe na mukhang hindi siya masyadong naintindihan ng mga bumabatikos sa kanya hinggil sa nasabing usapin.
“Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it. Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo ‘yung interview. Yung iba du’n lang sa caption, binanatan na ‘ko nang sobra-sobra,” diin pa ng senatorial aspirant.
https://bandera.inquirer.net/289908/kylie-naniniwala-pa-rin-sa-forever-kahit-nakipaghiwalay-kay-aljur
https://bandera.inquirer.net/304682/robin-sawang-sawa-na-sa-kakaendorso-ng-politiko-kaya-tumakbo-nawalan-ng-trabaho-dahil-kay-duterte
https://bandera.inquirer.net/288054/payo-ni-robin-kay-kylie-sabi-ko-pag-muslimin-mo-na-lang-si-aljur