Erich Gonzales at JC de Vera
MALAYUNG-MALAYO ang tunay na ugali at personalidad ni JC de Vera sa ginagampanan niyang karakter sa iWantTFC series na “La Vida Lena” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.
In fairness, ang serye pa rin nina Erich at JC ang nananatiling “most watched program” sa streaming platform ng ABS-CBN kaya naman todo ang kanilang pasasalamat sa mga madlang pipol.
“Very happy ako sa success na nakuha ng La Vida Lena and very, very happy ako dun sa character na pinortray ko. I really enjoyed every bit of it.
“Yung bawat eksena ko with such wonderful actors and yung mga veterans na kasama namin dito na-enjoy ko talaga yung bawat eksena na nakasama ko sila. It’s really fun working with everyone.
“Yun talaga yung kinagandahan ng La Vida Lena na lahat ng characters had their own time to shine and time to portray their characters so much. So lahat kami may ganitong story hindi lang ako,” ang pahayag ng aktor sa “La Vida Lena” finale mediacon last Jan. 31.
Kuwento pa ni JC, marami siyang memorable scenes sa serye, “Oo, maraming-marami akong paboritong eksena dito most especially sa bawat character na nakasama ko dito, as in meron akong very special scene na gusto ko dito. The first one yung ka-eksena ko dito si Ms. Agot (Isidro), si Kit (Thompson), and si kuya Raymond (Bagatsing).
“Yun yung eksena na nalaman nila na nabuntis ko si Lena at dun sa eksenang yun ipinaglalaban ko talaga si Lena sa kanila. As in handa akong talikuran yung buong mundo, family ko, yugn pagkatao ko para lang kay Lena.
“The second one was a scene with Erich. Yun yung pumunta ako mag-isa sa bahay nila para sugurin siya. Yun yung time na nag-lose control kasi ako sa sarili ko at hindi ko na ma-control yung lakas ko at that time and things happened. That was pretty memorable.
“It was a nice scene but dangerous also for the actors. The third one I would say was yung last scene ko for the show. It was unforgettable and remarkable also at the same time,” masayang kuwento ng Kapamilya actor.
Samantala, sinabi rin ni JC na may ilang qualities ang karakter niya sa serye na nakikita niya ang sarili niya, “Yung pagkakapareho ko lang kay Adrian is yung faith and loyalty ko sa mga taong mahal ko.
“So 100% I’ll be very loyal and faithful sa mga taong pagbibigyan ko ng pagmamahal. Yun lang yung pagkakapareho ko sa role ko.
“Pero the rest, hindi ko gusto si Adrian. Hindi ko talaga siya gusto. Ha-hahaha! Kaya ko siguro na-enjoy na i-portray yung character ni Adrian is because hindi ko siya gusto, hindi ako kumportable gawin siya pero in-enjoy ko siya.
“Kaya maganda yung kinalabasan. And this is my first time to try a offbeat role sa buong career ko kaya I took it as a challenge. In a way magandang experience ito para sa akin. Kaya kesa kabahan ako sa bawat experience ko sa show na ito, in-enjoy ko na lang,” pagbabahagi pa niya.
Hindi rin daw naging madali para sa kanya ang sumabak sa lock-in taping, lalo na ang malayo sa kanyang asawa at anak.
“Definitely I can do so much kasi nga nasa bubble ako. But the rest of the co-actors alam nila ‘to, every 10 pm hindi na ako sumasama sa bonding moments namin kasi kailangan ko na mag-video call sa baby ko kasi matutulog na siya.
“So yun yung naging routine ko nung nag-shu-shoot ako sa La Vida Lena. I just try na maging connected sa kanila. Buti na lang maganda na yung technology ngayon at may video call na.
“So anytime na I want to talk to my family nakakusap ko naman sila and vice versa. Ganu’n din yung ginagawa nila sa akin, maya maya tumatawag sila sa akin,” sey pa ni JC.
Tutukan ang “La Vida Lena: The Final Rampa” this week, 10 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang ABS-CBN platforms.
https://bandera.inquirer.net/293578/sa-wakas-church-wedding-nina-jc-de-vera-at-rikkah-cruz-natuloy-na-the-stars-finally-aligned
https://bandera.inquirer.net/286476/erich-game-na-game-makatambal-uli-si-mario-maurer-yung-friendship-namin-hindi-nawala
https://bandera.inquirer.net/286662/erich-na-challenge-sa-lock-in-taping-puring-puri-sina-jc-at-carlo-aura-pa-lang-pampa-good-vibes-na