Jo Berry kinarir ang pagpasok sa showbiz dahil sa pang-aasar ng kapatid: Gusto ko talaga maging lawyer

Jo Berry

KNOWS n’yo ba na na-challenge nang bonggang-bongga ang Kapuso actress na si Jo Berry na makapasok sa mundo ng showbiz dahil sa pang-aasar ng kanyang kapatid. 

Inamin ng dalaga na wala talaga siyang planong mag-artista dahil ang ultimate dream niya noon ay ang maging abogado para maipagtanggol ang mga taong naaagrabyado at naaapi.

Sabi ni Jo Berry, gusto niyang maging inspirasyon sa mga kapwa niya na palaging minamaliit mga taong hindi marunong magpahalaga sa kakayahan ng iba.

Sa panayam ng Kapuso Insider lead star ng Kapuso afternoon series na “Little Princess” sinabi ng dalaga na napasok siya sa showbiz dahil sa pang-aasar ng kanyang kapatid.

“Yung dream ko talaga ever since bata ako was to be a lawyer, wala po talaga sa isip ko ang pasukin ang pag-aartista” sey ni Jo.


Kuwento ng aktres, isang araw daw ay may nakita siyang post sa Facebook page ng GMA na naghahanap daw ang drama anthology na “Magpakailanman” ng little people para sa isang episode na gagawin ng programa.

Nang sabihin daw niya ito sa kapatid, biniro raw siya ng kapatid na puwede sana siyang mag-audition sa show pero baka raw magkaprobema si Jo sa isang qualification na hinahanap ng production — ang “with pleasing personality.”

At dahil nga na-challenge ang dalaga sa pang-aasar ng kapatid, nagdesisyon siyang magpunta sa GMA para mag-audition at ipinakita nga ang kanyang talento sa pag-arte.

Pahayag ng aktres, hindi man daw natuloy ang pangarap niyang maging lawyer, abot-langit pa rin ang pasasalamat niya sa Diyos dahil kahit paano’y marami ring nai-inspire sa ginagawa niya bilang aktres.

Naniniwala rin daw siya na sa pagpasok niya sa showbiz kung saan nabibigyan siya ng magagandang projects ng GMA ay nababago na kahit paano ang pagtingin ng ibang tao sa mga little people.

Aniya, hindi raw kasi basta-bastang programa lamang ang ginagawa niya sa GMA o mga role na nakakatawa tulad ng karaniwang ibinibigay sa mga taong tulad niya.

“Hindi siya yung nakakatawa lang. Makikita mong nirerespeto yung role, nirerespeto yung character na ginagampanan mo. Lagi siyang strong woman, strong little person,” pahayag ni Jo.

At umaasa raw ang dalaga na mas marami pang mga little person ang mabigyan ng chance sa mundo ng showbiz dahil naniniwala siya na hindi lang siya ang deserving magkaroon ng big break bilang artista.
https://bandera.inquirer.net/295691/jo-berry-nagluluksa-pa-rin-sa-pagpanaw-ng-3-mahal-sa-buhay-2-bubble-gang-babes-susugod-sa-tbats

https://bandera.inquirer.net/295691/jo-berry-nagluluksa-pa-rin-sa-pagpanaw-ng-3-mahal-sa-buhay-2-bubble-gang-babes-susugod-sa-tbats
https://bandera.inquirer.net/302282/jo-berry-nagtatrabaho-habang-nagluluksa-kahit-masakit-yung-pinagdaraanan-kailangang-kayanin

Read more...