Michelle Madrigal payag pa ring magpakasal kahit nawasak ang unang kasal: Love is love!

Michelle Madrigal at Anika Woolfolk

MATAPOS mawasak ang pagsasama nila ng dating asawang si Troy Woolfolk, may balak pa ba ang aktres na si Michelle Madrigal na magpakasal? 

Maraming realizations at life lessons na natutunan si Michelle mula sa pakikipagrelasyon sa nakahiwalay na asawa lalo na pagdating sa usapin ng marriage.

Matatandaang inihayag ng dating Kapuso star ang paghihiwalay nila ni Troy Woolfolk noong August, 2021 sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube.

Dito rin niya kinumpirma na nasa proseso na ang kanilang divorce kasabay ng pagsasabing slowly moving on na siya sa kanyang failed marriage.

Sa bago niyang vlog, sinagot ni Michelle ang tanong sa kanya ng isang netizen kung game pa ba siyang magpakasal kapag may dumating na bagong lalaki sa buhay niya.

Sey ni Michelle, “I am not closing any doors.” Pero sa ngayon ay pina-process pa raw niya ang mga naging kaganapan sa last relationship niya. 

“I just feel like this is still fresh ‘di ba, like being divorced or whatever. It’s still fresh. But, I am never going to close my doors. Obviously, at this moment I really want to focus on me and Anika, (anak nila ni Troy),” pahayag ng celebrity mommy.


Dagdag pa niya, “Not closing my doors just because love is love. It is a beautiful thing. Just because my relationship ended or whatever it doesn’t mean that you cant find that love again.

“It’s just now you’re just older and smarter and you know what you really want,” aniya pa.

Nauna nga rito, sinabi ni Michelle na kahit daw naghiwalay na sila ng asawa, maayos naman ang naging agreement nila as co-parents for their daughter.

“We are still going through a divorce, we are still navigating through this co-parenting together,” sabi ni Michelle.

https://bandera.inquirer.net/285272/michelle-madrigal-nagrebelde-sa-murang-edad-as-in-self-destructive-talaga

https://bandera.inquirer.net/287302/michelle-madrigal-sa-pagbabati-nila-ng-ina-makalipas-ang-ilang-taon-time-heals-all-wounds-talaga
https://bandera.inquirer.net/290668/michelle-madrigal-troy-woolfolk-hiwalay-na

Read more...