Julius Babao
NGAYONG 2022, makakasama na ang kinikilalang personalidad at batikang news anchor at journalist na si Julius Babao sa primetime newscast ng TV5 bilang co-anchor ng “Frontline Pilipinas.”
Bitbit ang higit tatlong dekadang karanasan sa pamamahayag, muling ihahatid ni Julius ang mga nagbabagang balita gabi-gabi bilang “beteranong journo” at ‘
“lingkod bayan” ng “Frontline Pilipinas.”
Kasama ang kanyang co-anchor na si Cheryl Cosim, sabay nilang ibabahagi ang mga pinakamahalagang isyu pagdating sa politika, ekonomiya, public welfare, at sa krisis na hatid ng COVID-19.
Kasabay ng paglipat ni Julius sa TV5 ang pagpapaigting ng Kapatid Network ng paghahanda sa parating na eleksyon ngayong Mayo.
Ang mga naging karanasan niya sa loob ng 30 taon ay makakatulong sa paghatid ng mga maiinit at mahahalagang balita kasama ang ibang mga pinagpipitaganan na mamamahayag ng TV5.
Bukod sa pagiging anchor ng nasabing news program, hangad ni Julius na ipagpatuloy ang kanyang misyon sa paglilingkod bayan sa pamamagitan ng isang programa na naglalayong magbigay tulong sa mga small and medium scale enterprises (SMSE) at maging sa mga underground economy-reliant na Pilipino, lalo pa’t patuloy pa rin ang pagharap ng bansa sa mga economic at social challenges.
Nagsimula ang journalistic career ni Julius sa DZBB ng GMA 7 noong 1990 bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 1993 bilang reporter ng flagship newscast nito.
Kasunod naman nito ay naging anchor siya morning show ng network kasama ang kanyang asawang si Christine Bersola noong 1996 at naging co-anchor sa mga primetime, evening, at weekend newscasts bago tuluyang tapusin ang kanyang 28-taong serbisyo sa Kapamilya Network noong nakaraang taon.
Simula sa Peb. 7, mapapanood na si Julius Babao sa daily broadcast ng “Frontline Pilipinas” tuwing 5:30 p.m., live sa TV5 at via livestream naman sa mga Facebook at YouTube pages ng News5.
* * *
Sa ginanap na online mediacon ng TV5 para sa pagiging Kapatid news anchor ni Julius, ipinagdiinan ng dating ABS-CBN broadcaster na hindi naging issue sa paglipat niya ang talent fee.
“Hindi siya factor at all. It’s really about yung growth ko as a news anchor. Yun yung talagang naging basis ko ng pag-transfer dito sa TV5.
“And du’n sa pakikipag-usap ko kay Ma’am Luchi, marami akong nakitang mga opportunities na puwede kong magawa once na nandito na ako.
“Yun actually. It’s not about money. It’s not about an issue of money. It’s really about yung growth ko as a news personality, as a person,” sabi pa ni Julius na ang tinutukoy ay si Luchi Cruz-Valdes, ang First Vice President for News and Information ng TV5.
Samantala, aminado ang bagong Kapatid news anchor na hindi naging madali ang pag-alis niya sa ABS-CBN.
“One of the reasons na masakit for me na iwan ang Kapamilya Network is yung mga shows na ganito. Masyadong naging attached sa akin yung Mission: Possible.
“When it was cancelled because of the not granting of franchise sa ABS-CBN, naging masakit iyon for me.
“Kasi, nanghinayang ako sa mga taong matutulungan, na andami-daming lumalapit sa amin. Pero unfortunately, wala kaming magawa. Kasi, wala na nga yung show.
“Tapos, nagkaroon pa ako ng show na Lingkod Kapamilya, na tumutulong din sa mga tao.
“Yun talaga ang pangunahing reason kung bakit may kurot sa puso, na kumbaga, na umalis ako sa Kapamilya, aside sa mga na-establish ko nang mga kaibigan doon, mga minahal kong mga kaibigan na parang mga naging kamag-anak ko na rin. Iyon, yung mga shows na ganu’n,” paliwanag pa ni Julius.
https://bandera.inquirer.net/301867/julius-babao-nagpaalam-na-sa-abs-cbn-papalitan-daw-si-raffy-tulfo-sa-news-program-ng-tv5
https://bandera.inquirer.net/301696/julius-goodbye-na-rin-sa-abs-cbn-karen-may-hugot-bilog-ang-mundo-at-alam-ko-magkikita-tayong-muli