Kelley Day nag-post ng pang-asar sa mga ‘Marites’: Gender reveal… it’s a boy!

NAKA-MOVE on na agad ang ating Miss Eco International 2021 First Runner-up na si Kelley Day mula sa kinasangkutang kontrobersya kamakailan.

Naidadaan na kasi ng beauty queen at Kapuso actress ang mga tsismis tungkol sa pagkakaugnay niya sa rumored break-up nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nauna nang dinenay ng dalaga na siya ang third party sa umano’y break up ng bagong kasal na Kapuso couple at wala raw silang relasyon ni Tom.

Kasabay nito, mariin din niyang pinabulaanan na nagdadalang-tao siya kaya lumipad siya patungong United Kingdom. Aniya, nagtungo siya sa UK para bisitahin ang kanyang pamilya na naka-base roon.

“Certain rumor/blind item story that seems to have been circulating. So before things get too out of hand, I’d like to clarify that i have no knowledge of/ involvement with the controversy.

“I don’t know how or why my name has become linked (I’m surprised too), but what I do know is these accusations about me are false,” paglilinaw ni Kelley.


Sa mga bago naman niyang post sa Instagram, nagbahagi si Kelley ng mga litrato mula sa kanyang UK trip with her family plus ang kanyang fur baby.

Aniya sa caption, “Well… the social media detox was nice while it lasted.” Na nilagyan pa niya ng smiling face with cold sweat emoji.

Dugtong pa niyang biro patungkol sa kanyang alagang aso, “And we do have a new addition to the family! Gender reveal… it’s a boy.”

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita sina Tom at Carla tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon at kung totoo ngang naghiwalay na sila ilang buwan lamang ang nakalipas matapos silang ikasal.

Naganap ang church wedding ng celebrity couple noong Oct. 23, 2021 sa Batangas. 

Kelley Day umalma sa chikang siya ang third party sa rumored break-up nina Tom at Carla: Hindi rin ako buntis!

Kelley Day OK na matapos mapabalitang nagka-COVID, pero hindi pa pwedeng umuwi sa Pinas

Kelley Day ayaw na ayaw sa ‘plastik’

Read more...