Beau Belga inireklamo ng asawa dahil sa pang-aabuso at pangangaliwa

Beau Belga inireklamo ng asawa dahil sa pang-aabuso at pangangaliwa

NAHAHARAP ngayon sa kontrobersya ang PBA star na si Beau Belga matapos mag-post ang asawa nitong si Queenie Manalo-Belga ukol sa kanyang pisikal na pananakit, pangangaliwa, at kawalan ng child support sa kanilang anak.

“Who would’ve thought that even after almost 16 years, half of my life, of being together, the man I love and trust with my very life would be the one to put our family in grave danger?” saad niya sa kanyang My Day sa Facebook nitong Martes.

Screenshot of Queenie Manalo-Belga’s Facebook Story

Dumulog din siya sa “Raffy Tulfo In Action” upang humingi ng legal assistance sa kanyang pinagdaraanan.

Ayon kay Queenie, nagsimula ang kanilang isyu ni Beau nang pumasok ito sa PBA bubble noong isang taon.

Bukod sa kanyang My Day ay may mga nauna pang post si Queenie ukol sa kanyang dinadanas sa asawa.

Sa video na ipinost nito sa Facebook noong January 28 ay makikita ang brasong may mga marka ng kalmot at medyo namumula pa at maririnig ang recording ng pag-aaway nilang mag-asawa kung saan maririnig ang pagdaing niya.

Aniya, matagal na panahon na siyang nagtitiis at lahat na ng klase ng pang-aabuso ay nagawa na sa kanya.

“Kapag masyado ka na inaapi, nagtiis ng matagal na panahon, lahat ng klase ng abuso ginawa na sa’yo, isinasapubliko pa ang pangangaliwa dahil napunta sa trainings.

“Sinasama sa malls at guestings, at isinasama pa sa hotels, at ako pa ang deserving sa lahat ng dinanas ko sa kamay ng sarili kong kabiyak ayon sa nakiki apid; hindi na tama.

“Siguro naman kalabisan na. Imbis na magpasalamat ka dahil ginamit sa’yo ng asawa ko ang dapat na sa amin ng anak ko, iinsultuhin mo pa ang asawang inaabuso at ipinapahiya ninyo.

“Hindi lang reputasyon, dignidad, at kredibilidad ko at ng anak ko ang sinisira ninyo.

“Hindi ninyo alam na niyuyurakan ninyo rin ang pamilyang pinanggalingan ko na siyang nagpapataas ngayon lalo ng halaga na dapat ninyong bayaran na dinagdagan pa ng bawat pahaging ng babaeng nakiki apid lamang naman,” saad nito sa kanyang post.

Sinubukan naman daw niyang itago ang marital issues nila ni Beau ngunit ayaw raw makipag-usap ng PBA player nang subukan niyang mag-reach out.

 

 

“Nung una gusto kong makipag-usap, pero ngayon hindi na. Never po kami nag-usap,” ani Queenie.

“I tried talking to him, I called him, called his friends, yung in-laws ko hindi nila pinansin. Umiiwas siya.”

Pero ngayon nga ay desidido na siyang magsampa ng kaso sa asawa.

Sinubukan naming mag-reach out sa Rain or Shine player upang makuha ang kanyang panig ngunit wala pa rin itong sagot ukol sa isyu hanggang ngayon.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Beau Belga hinggil sa mga akusasyon ng asawa.

 

Related Chika:
Anak ni Carlo nakatanggap ng death threat: Magkano sinasahod n’yo para gawin ‘to?

 

Read more...