Angeli Khang
SIYAM na taong gulang pa lamang ay nakatikim na ng pagmamalupit mula sa sariling ama ang Viva artist at sexy star na si Angeli Khang.
Walang pag-aalinlangang ikinuwento ng dalaga ang pananakit sa kanya ng kanyang amang Korean general noong bata pa siya at naninirahan sa Amerika.
Sa nakaraang online presscon ng bago niyang pelikula, ang “Silip Sa Apoy” na humahataw ngayon sa Vivamax, ibinahagi ni Angeli ang masaklap niyang nakaraan na isa raw sa mga pinaghuhugutan niya kapag umaarte na sa harap ng camera.
Ayon sa aktres, “I will be completely honest. I was abused by my dad for years, physically abused.
“And throughout those years, pinalaki ako ng mom ko as a godly person kaya I never lose hope, I always pray every day to God.
“Pumapasok ako sa school na may pasa sa mukha and ipinapa-reason ng dad ko na sa sobrang kulit ko, kunwari, natamaan ako ng door, like that.
“Until one day, siguro answered prayer na nakita ng teacher ko yung cuts ko sa wrist and she asked me why, kung ano ang nangyari.
“I just bursted out na, kasi it’s really hard for me to open up to call someone dahil I know na uuwi ako sa tao na nang-a-abuse sa akin. So, I was really scared. I was very entrapped,” tuluy-tuloy na paglalahad ng dalaga.
“Hanggang nu’ng ma-open up ko siya sa teacher ko, she asked me to call my dad. After that, when I told my dad na kailangan siya sa school, bigla na niya akong iniuwi sa Pilipinas,” aniya pa.
Alam ni Angeli na mali ang ginawa niya noon at nagpapasalamat siya sa psychiatrist na naging kaagapay niya sa pagmu-move on at paghahanap ng solusyon sa kanyang mga pinagdaanang pagsubok.
Bukod dito, hindi rin siya pinabayaan ng kanyang ina na isa na ngayong preacher.
Dagdag pa ni Angeli, “I was with my dad from 2011 to 2014. And yung cut sa wrists, it’s not something na gusto kong magpakamatay, but hindi ako nakaka-open up sa mga tao. And whenever I open up to my friends, parang hindi kumpleto sa feeling ko.
“Parang yung comfort ko na gustong makuha, parang maging okay sa araw na yun, hindi ko siya nakukuha through talking.
“Whenever I feel pain, hindi siya pain for me. Kapag may mga taong nakakakita ng cuts, lagi nilang sinasabi na emo.
“But when you’re in that situation, cut is something na nae-embrace niya yung… doon ako na nagiging comfortable.
“I know na that’s not right. And nung pina-psychiatrist ako, du’n ko na-realize na it’s not normal to fantasize about death, about killing or anything about bad things,” sabi pa niya.
* * *
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0917-8998727.
https://bandera.inquirer.net/298350/angeli-khang-tumodo-sa-mga-sex-scene-sa-mahjong-nights-naliligo-pa-lang-hubot-hubad-na-ko
https://bandera.inquirer.net/298056/angeli-khang-may-hamon-kay-xian-gaza-hindi-ako-marites-pero
https://bandera.inquirer.net/295502/angeli-khang-bibida-sa-mahjong-nights-suportado-ng-ina-sa-pagpapa-sexy