Barbie Imperial umaming tsinugi sa GirlTrends: Kasi hindi po talaga ako magaling sumayaw!

Barbie Imperial

WALANG kaabug-abog na inamin ni Barbie Imperial na natsugi siya sa grupong GirlTrends dahil hindi siya talaga magaling magsayaw o humataw sa dance floor.

Ito ang dahilan kung bakit talagang kinakarir niya ang paghahanda para sa gagawin niyang production number sa Sabado, Feb. 5, sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Sa nakaraang episode ng Kapamilya noontime show, ipinakilala na si Barbie bilang bagong hurado sa “Sexy Babe” segment kasama si RK Bagatsing. 

Kasunod nito, bigla na lamang natanong ni Vice Ganda si Barbie kung masaya ba siya ngayon, “Are you happy?” na agad namang sinagot ni Barbie ng, “Yes.” 

Kuwento pa ng Phenomenal Box-office Star nang alukin daw ng management si Barbie para maging hurado sa nasabing segment ng “Showtime” hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa.

“Si Barbie, nu’ng tinawagan natin siya, nag-yes siya agad. Sabi ko ‘Buti nag-yes ka agad.’ Sabi niya, ‘I wanna be busy’. Itanong niyo kung bakit gusto niyang maging busy lately,” sey ni Vice. 
Sagot naman ni Barbie, “Wala lang. Namo-move kasi ‘yung mga tapings. So, Showtime.”

“Ayaw niya kasi ng mga dull moments. Ayaw niya ng mga moments na wala siyang ginagawa tapos napag-iisip lang siya,” hirit uli ni Vice sa dalaga na sinasabing single na raw uli ngayon dahil hiwalay na sila umano ni Diego Loyzaga.


Sumingit naman ang isa pa sa mga hurado ng “Sexy Babe” na si Ruffa Gutierrez na excited na raw si Barbie na sumabak sa sayawan. Pero agad itong kinontra ni Barbie at sinabing kaya nga raw siya natsugi sa all-female group na GirlTrends ay dahil hindi siya marunong sumayaw. 

“Kaya nga po ako natanggal sa GirlTrends kasi hindi ako magaling sumayaw eh,” pag-amin ni Barbie. 

Chika naman ni Vice, “Ay okay lang. Mag-isa ka na lang ngayon. Huwag kang mag-alala kung natanggal ka sa GirlTrends kasi hindi ka magaling sumayaw, sila din naman natanggal lahat. Charot. Love natin ang GirlTrends. Family natin ‘yan. Joke joke joke lang!” 

Hirit uli ni Barbie, “Nag-workshop ako, Ate Vice!” 

“Kay Chie (Filomeno). Paturo ka kay Chie. Close ba kayo ni Chie? Ay parang hindi. Nag-away ba kayo? Charot lang,” ang may halong panunuksong dialogue ni Vice. 

“Hindi ako ‘yun,” sagot naman agad-agad ni Barbie. 

“Miss na rin natin si Chie. Chie, mag-ingat ka. May lock-in taping kasi siya,” sey pa ng komedyante.

https://bandera.inquirer.net/303081/true-ba-ang-chika-hiwalay-na-sina-barbie-imperial-at-diego-loyzaga

https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siya

https://bandera.inquirer.net/303964/diego-loyzaga-barbie-imperial-hiwalay-na-sey-ng-source-ni-ogie-diaz

Read more...