Angelica Panganiban
NA-HURT pala si Angelica Panganiban nang bansagan siyang “Hugot Queen” nang dahil sa mga karakter na pino-portray niya sa kanyang mga pelikula.
Karamihan kasi sa mga ginagampanan niyang role sa mga past movies niya ay mga heartbroken at palaging iniiwan ng dyowa.
Sa ginanap na virtual mediacon kahapon ng bago niyang Kapamilya teleserye na “The Goodbye Girl”, natanong si Angelica kung ano bang gusto niyang itawag sa kanya ng madlang pipol, maliban sa “Hugot Queen.”
“Hindi ko alam. Hindi ko naman siya inisip ever. Mahirap naman talaga magbigay ng brand sa sarili mo. Parang ‘yung mga ‘hugot queen’ na iyan, ako ba ‘yung nagbigay niyan? ‘Di ba, hindi naman. Kayo ang nagbigay niyan. Nu’ng una nga na-hurt pa ako, eh,” pahayag ng aktres.
Ngunit, nang tumagal na ay natanggap na rin niya ang pagiging “Hugot Queen”, “Wala eh. Ganu’n ka nakikita ng mga tao. Mahirap na ikaw ‘yung magdikta sa kanila kung anong gusto mong itawag sa ‘yo. So hindi ko alam kung anong dapat itawag sa akin.”
Patuloy pang pahayag ng dalaga, “May ibang impact din na may mga taong nilalapitan ka kapag hindi na nila alam kung sinong dapat nilang lapitan. Nagsusulat sila ng mga letters or magtu-tweet sila.
“Nu’ng ginawa ko yung ‘Ask Angelica’ ang sarap sa pakiramdam na sa pains or struggles nila in life, gusto nilang tulungan mo sila and pati ikaw, nag-i-inspire ka. Hindi mo nai-imagine na parang natutulungan mo rin pala ‘yung sarili mo,” dagdag pang chika ng aktres na masayang-masaya ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.
Samantala, nabanggit din ng dalaga na nakaka-happy din sa pakiramdam na pinagkakatiwalaan siya ng marami pagdating sa pagbibigay ng payo when it comes to relatuonship issues.
“Dahil sa mga sinasabi mo, mapapaisip ka na okay ‘yung mga sinabi ko so bakit hindi ko i-apply sa sarili ko. Alam ko in a way natutulungan ko rin ang sarili ko.
“Hindi siya nakakapagod gawin at all. Natutuwa ako na kahit paano may mga nagri-reach out sa akin. Feeling ko nagtutulungan lang kaming lahat,” sabi pa niya.
Makakasama ni Angelica sa “The Goodbye Girl” sina JC de Vera, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Elisse Joson, Maris Racal, RK Bagatsing, Joshua Colet, Ronnie Alonte, Turs Daza at Rico Blanco.
Iikot ang kuwento nito kay Yanna, na isang sawi sa pag-ibig matapos iwan ng dyowa para sa ibang babae. Kasunod nito, gumawa siya ng mga hugot video habang umiiyak na nag-viral sa social media.
Ang seryeng ito na ibinase sa libro ni Noreen Capili ay mula sa iWantTFC, directed by Derick Cabrido, with Dreamscape Entertainment and Clever Minds co-producing.
Available na ang six-episode series na ito simula sa Feb. 14 sa iWantTFC.
https://bandera.inquirer.net/300253/angelica-sa-mga-babaeng-iniwan-mahalin-ang-sarili-at-dapat-alam-nyo-ang-mga-karapatan-nyo
https://bandera.inquirer.net/304092/lovelife-hugot-ni-angelica-ayokong-masakal-at-makulong-dahil-lang-nagmahal-ako
https://bandera.inquirer.net/295559/hugot-line-ni-bea-sa-bubble-gang-viral-ready-na-nga-bang-makipag-trabaho-sa-ex