Mga bagong opisyal ng PMPC para sa 2022, naihalal na

Ang mga bagong halal na opisyal ng PMPC

MATAGUMPAY ang naging halalan para sa bagong pamunuan ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) para sa taong 2022. Ito ay ginanap noong Enero 28 sa tanggapan ng PMPC sa Quezon City.

Ang PMPC ay isang non-profit organization na nagbibigay ng karangalan at pagkilala  sa  entertainment industry, kabilang na ang mga artista, performers, at mga manggagawa sa likod ng kamera sa larangan ng pelikula, telebisyon, at musika. 

Taun-taon, sila ay pinararangalan sa pamamagitan ng PMPC Star Awards for Movies, Television, and Music.

Bilang pagsunod sa kasalukuyang health protocol, virtual ang ginanap na meeting bago ang botohan at bumoto ang mga miyembro per batch.

Virtual din ang naganap na bilangan at ang mga past president na sina Rommel Gonzales at Melba Llanera ang nagsilbing election canvassers.

Pagkatapos ng bilangan ay saka lamang nagsama-sama ang mga nagwaging opisyal para sa madaliang photo shoot.

Narito ang buong listahan ng new set of PMPC officers this 2022:

Fernan de Guzman (president), Rodel Fernando (vice president), Mell Navarro (secretary), Mildred Bacud (assistant secretary), Lourdes Fabian (treasurer), Boy Romero (assistant treasurer), John Fontanilla (auditor), Francis Simeon at Leony Garcia (public relations officers).

Board of directors: Joe Barrameda, Eric Borromeo, Roldan Castro, Jimi Escala, Sandy Es Mariano at Rommel Placente

Nagpasalamat si 2021 PMPC President Roldan Castro sa naging suporta ng opisyales at mga miyembero sa kanyang termino na sa kabila ng pandemya ay matagumpay na nairaos ang tatlong awards night sa pamamagitan ng online platform.

Sinabi naman ni 2022 PMPC President Fernan de Guzman, ipagpapatuloy niya ang magandang simula ng virtual events ng PMPC kung saka-sakaling hindi pa rin mapapayagan ang physical awards night sa taong ito. 

Hinikayat niya ang mga officers na lalong magsikap at magtulungan para sa kabutihan at ikauunlad ng PMPC at ng mga miyembro nito.

Sa mga bagong opisyales ng pamunuan ng PMPC, congratulations and best of luck!

https://bandera.inquirer.net/286952/vice-binigyang-pugay-si-noynoy-aquino-as-a-filipino-i-am-grateful-for-your-integrity
https://bandera.inquirer.net/293642/hugot-ni-isko-opo-lumaki-akong-busabos-ngunit-hindi-ako-naging-bastos

Read more...