Knows n’yo ba: Bakit tinawag na ‘Cupcake’ si Gardo Versoza ng mga taga-showbiz?

Gardo Versoza

KNOWS n’yo ba kung bakit “Cupcake” ang tawag sa aktor at Tiktokerist na si Gardo Versoza ng kanyang mga kaibigan at nagiging katrabaho sa showbiz?

Bukod sa pagiging magaling na character actor, talagang kinaaaliwan pa rin si Gardo ng publiko dahil sa kanyang mga pasabog at pampa-good vibes na TikTok video.

Bentang-benta sa mga netizens ang mga viral TikTok entry niya lalo na ang pagsasayaw niya with super short shorts and high heels. At kung mapapansin sa mga comments ng kanyang followers, Cupcake na rin ang tawag sa kanya ng mga ito.

Sa guesting ni Gardo sa mga talkshow, Cupcake na rin ang tawag sa kanya pati na ang mga kasamahan niya sa work kabilang na ang mga artista.

Ngunit ano nga ba talaga ang kuwento sa likod ng nickname niyang ito? 

May nagsasabi na mismong ang mga friends niya sa showbiz ang nagbinyag sa kanya ng Cupcake at meron namang nagkomento na hango ito sa gay character na ginampanan noon ni Gardo.

May isang netizen naman ang nagpaalala kay Gardo na ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang nagbigay ng pangalang Cupcake sa aktor.

“Doon sa mga naunang teleserye ko dito (sa GMA). Doon nanggaling ‘yun, dumikit na lang (sa identity ko),” ang pagkumpirma ng aktor sa isang panayam.

Kamakailan ay pinusuan naman ng netizens ang ipinost niyang screenshot ng isang eksena niya sa kanyang iconic movie na “Machete II.”


Makikita rito ang eksena kung saan rumampa si Gardo sa isang bodybuilding contest katabi ang tunay na bodybuilder na si Ronald. Sa isa pang photo ay ang bagong kuha naman nila ni Ronald.
Aniya sa caption, “28 years ago #machete w/ pro bodybuilder Ronald.”

“Immortal ka cupcake! Taglay mo ang birtud ng walang hanggang kabataan. The Fountain of Youth is real.”

“Dati Machete, ngayon si Cupcake na.”

Ang ilan lamang sa mga comments sa IG post ni Gardo.

Napapanood ngayon si Gardo sa book 2 ng “Agimat Ng Agila” na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla. Nagsimula na ito kagabi sa GMA 7 kung saan kasama rin sina Rabiya Mateo at Sanya Lopez.

“Unang-una nagpapasalamat ako sa GMA, and kay Senator (Bong) kasi nabanggit ko sa kanya na matagal ko nang pinapangarap na mapasama sa pelikula niya o sa TV. Isa siya sa mga haligi ng action genre,” sey ni Gardo.

Ginagampanan niya rito ang karakter ni Zeus Limjoco, “Mabait akong kontrabida. Yung tipong hindi mo isipin na magkakabangga kami ni Major Gabriel (Bong). Ibang klaseng pagkakontrabida siya.”
Napapanood ang “Agimat ng Agila Season 2” tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA 7.

https://bandera.inquirer.net/280017/gardo-iwas-muna-sa-politika-mahirap-baka-mailigpit-ako-bukas

https://bandera.inquirer.net/287362/tira-lang-nang-tira-habang-kaya-pa
https://bandera.inquirer.net/281571/modus-ng-budol-budol-gang-buking-ni-ara-binalaan-ang-mga-kapwa-negosyante

Read more...