Trina Candaza kinarma raw dahil sa ginawa kay Angelica: Nanahimik ako para kay Carlo, pero wala akong inagaw

Angelica Panganiban, Trina Candaza at Carlo Aquino

MARAMING nakikisimpatya ngayon sa partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza matapos kumalat ang chika na bago pa matapos ang 2021 at hiwalay na ang magdyowa.

Wala pang diretsahang inaamin sina Carlo at Trina tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero base sa mga cryptic post ng huli ay mukhang matagal na nga silang nagkanya-kanya ng landas.

Nagsimulang kumalat ang chikang break na ang dalawa nang mag-post si Trina sa Facebook last Jan. 28 ng, “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago,” aniya pa.

Kahapon, Jan. 29 nag-post uli si Trina sa kanyang Instagram story ng isang TikTok video kung saan makikita ang nakatalikod na babae habang nakatanaw sa malayo.

Maririnig sa video (voice-over) ang mga katagang, “She’s toxic, right?

“But was she toxic before you lied to her about another female?

“Was she toxic before you took advantage of the trust she had for you?

“Was she toxic before she kept forgiving you for hurting her over and over gain?

“She wasn’t toxic…

“You drained everything out of that woman.

“You hurt that woman.

“You lied to her and continue to hurt her and made question her worth.

“Then you expect her to be the same person she was in the beginning?

“Now she’s crazy for being this way…” ang kabuuang mensahe na maririnig sa video.


Kasunod nito, may isang netizen ang nagkomento na “karma” raw ni Trina ang nangyari dahil pinatulan daw nito si Carlo noong sila pa ni Angelica.

“Karma is a bitch talaga. Ayos lang yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica eh (laughing emoji). Mas masakit talaga pag binalikan ka ng karma doble yung sakit. Worst is, may anak kayo,” ang buong comment ng netizen.

Reply naman ni Trina, “Huh? hindi naman sila nagkabalikan, sakin nag commit tas ang labas ako pa ang nang agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw.”

In fairness, marami rin naman ang nagsabing nanghihinayang sila kung totoo mang naghiwalay na ang magdyowa. Kawawa raw ang anak nila na baby pa at wala pang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.

Ilang fans naman ni Carlo ang nagkomento na sana’y ayusin niya agad ang relasyon nila ni Trina dahil baka ito na raw ang last chance niya na magkaroon ng pamilya.

Sa pagkakaalam namin, nasa pangangalaga ngayon ni Trina ang anak nila ni Carlo na si Baby Enola Mithi. Nakatira raw ngayon ang mag-ina sa isang condo.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Carlo tungkol sa issue. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/304240/carlo-aquino-trina-candaza-hiwalay-na-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/295098/carlo-pinag-iipunan-na-ang-dream-house-para-sa-pamilya-the-company-may-regalo-sa-mga-plantitot-plantita
https://bandera.inquirer.net/304252/xian-gaza-kay-angelica-panganiban-ikaw-po-ba-yung-pinuntahan-ni-carlo-aquino

Read more...