Rita Avila at Boy Abunda
PATULOY pa rin ang pamba-bash at angnenega ng mga netizens sa veteran actress na si Rita Avila dahil sa hayagang pagsuporta niya kay Vice-President Leni Robredo.
Ayaw talaga siyang tantanan ng mga haters lalo na ng mga tagapagtanggol ng dating senador na si Bongbong Marcos na isa sa sinasabing pinakamahigpit na kalaban ni VP Leni sa darating na May, 2022 elections.
Ngunit sa kabila ng pambu-bully at pambabastos kay Rita hindi pa rin siya nagpapasindak sa mga bashers at tuloy din ang pagsuporta niya sa kandidatura ni Robredo.
Sa pamamagitan muli ng kanyang Facebook page, nagbigay ng mensahe ang aktres sa lahat ng mga taong galit na galit sa kanya nang dahil sa hayagang pagkampi niya kay VP Leni laban sa mga detractors nito.
“Sa mga d naman kakampink…
“Wag na kayo pumunta sa page ko kasi d ko naman pinag aaksayahan puntahan ang inyo,” simulang paalala ng dating sexy star sa mga netizens.
Patuloy pa niyang pagpapaliwanag, “Sasabihan nyo akong diktador at tumahimik na eh kayo ang diktador. Page ko ito.
“Nagtatanong kayo kung bakit nagsasara ako ng comment section? Dahil sa inyo na baseless, senseless, at evil ang comments,” matapang pang hirit ng aktres.
Ipinagdiinan pa niya sa mga anti-Leni Robredo na, “Kung iba ang gusto nyo, d iba ang gusto nyo.
“Kung nagpopost ako ng katotohanan para sa mga walang alam at mali ang alam. D ako tulad ng iba na hahayaang mamayagpag ang mali at kasinungalingan.
“Hindi ako magtutulak sa kasamaan. Kahit ganyan kayo, tinatrato ko pa din kayo bilang tao.
“Madalas ay mahinahon akong sumagot sa ilan sa inyo pero minsan kelangan din kayong tapatan dahil sobra kayong masama.
“May araw din na kayo ay magigising at mauusawan. D man tayo lahat perpekto ay mas magandang nakaaangat ang kabutihan kesa sa kasamaan. — Rita,” pahayag pa ng beteranang aktres.
Pahabol pa niya, “P.S. May halaga pa din tayong lahat. Huwag po magpakababa ng pagkatao.”
Nauna rito, ibinalita rin ni Rita na nagkapaliwanagan na sila ni Boy Abunda matapos niyang kuwestiyunin at ireklamo ang naging panayam nito kay Robredo.
“Out of decency, I reached out to him and he called to return the respect. In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world,” aniya sa kanyang FB post.
At irerespeto rin daw nila ng Kapamilya TV host ang isa’t isa kahit magkaiba sila ng mga bagay na pinaninindigan, “For the longest time, Boy and I have been friends though we do not see each other often.
“We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other even if we say dissenting comments or otherwise about relevant issues,” sabi pa ng aktres.
https://bandera.inquirer.net/304113/rita-avila-dismayado-sa-interview-ni-boy-abunda-kay-vp-leni-parang-ayaw-mo-nang-pasagutin
https://bandera.inquirer.net/304144/rita-avila-dumepensa-sa-pagiging-bold-star-noon-halinghing-lang-walang-pakita-ng-boobs-at-peps
https://bandera.inquirer.net/304320/rita-avila-nag-reach-out-kay-boy-abunda-out-of-decency-nangakong-irerespeto-ang-isat-isa