Netizens nagsagutan dahil sa maling spelling ni Neri: ‘Grabe, bawal talaga magkamali sa online world, no!’

Neri Miranda at Sarah Lahbati

NAGKASAGUTAN ang ilang netizens nang dahil lang sa naging comment ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda sa isang Instagram post ni Sarah Lahbati.

Nagkomento kasi ang misis ng Parokya ni Edgar vocalist sa IG photo ni Sarah kung saan walang takot niyang ipinakita sa madlang pipol ang kanyang stretch marks.

Aniya sa caption ng kanyang ipinost na sexy photo, “I’m tired of hiding my stretch-marks. I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me awhile to accept that. My biggest insecurity.

“To love me fully. To fully accept me. I’ve always been ready to give all of me for my loved ones but never poured that same cup to myself.

“Took me some time to realize that my stretch marks are my best tattoos. A reminder that I am a strong and resilient woman who’s been through a lot but most importantly, I’ve given birth to my two dearest sons, Zion and Kai. My angels,” sabi pa ni Sarah.


Maraming na-inspire at nagbigay ng mga positibong reaksyon sa stretch mark post ng misis ni Richard Gutierrez, kabilang na ang ilang celebrities tulad ni Neri.

Ayon sa aktres, napakaseksi pa rin ni Sarah kahit pareho na silang mommy, “Grabe yung tyan!!! (emoji). Paano ma-achive? (emoji).”

Sa comments section ng post ni Sarah, may isang netizen na nakapansin sa pagkakamali ni Neri. Comment nito, “@mrsnerimiranda achieve kasi yon. Kulang ka ng E.”

Sa halip na patulan at makipagsagutan, mahinahong sinagot ni Neri ang netizen kasabay ng pagpasalamat sa pagtama sa kanyang pagkakamali.

Sey ng aktres at negosyante, “Ay oo nga no? (emoji). Thanks for correcting me! (emoji).”
Pero hindi nga rito nagtapos ang lahat dahil kinuyog ng ilang fans ni Neri ang nasabing netizen.

Bwelta ng isang IG user sa nagtama sa spelling ni Neri, “Grabe naman bawal talaga magkamali sa online world eh no? Ang peperfect nyo masyado (emoji).”

Hirit ng isa pang netizen na nabwisit din sa nagkorek kay Neri, “Perfect ka?”

Comment naman ng isa pang nagtanggol sa misis ni Chito, “Ikaw na ang perfect sa earth.”

Hindi naman basta nagpatalo ang netizen sa mga supporters ni Neri at niresbakan din ang mga ito. Aniya, “Wala akong sinabing perfect ako. Tinama ko lang sya (emoji).”

https://bandera.inquirer.net/304139/sarah-lahbati-pagod-na-sa-katatago-ng-stretch-marks-im-not-perfect

https://bandera.inquirer.net/296849/neri-natuwa-sa-hes-into-her-may-pasabog-tungkol-kina-chito-at-donny
https://bandera.inquirer.net/304102/bakit-bawal-nang-maglabas-si-karen-davila-ng-mga-presidential-interview-sa-kanyang-vlog

Read more...