Ellen hinamon ng netizens para sa susunod na shower video ni Derek: ‘Talong reveal naman diyan!’

Ellen Adarna at Derek Ramsay

“TALONG reveal naman d’yan!” Yan ang hamon ng ilang netizens sa dating sexy star na si Ellen Adarna matapos pagpiyestahan ang “shower” video ng asawang si Derek Ramsay. 

Sandamakmak na Instagram users ang nag-comment at nag-like sa ipinost niyang video clip ng hunk actor habang naliligo ito sa kanilang bathroom.

Nauna na nating inilabas dito sa BANDERA ang tungkol sa nasabing video kung saan mapapanood na palihim na kinukunan ni Ellen si Derek na nakahubad at nagsa-shower.

Tawa naman nang tawa ang aktres nang makita ang nagulat nitong reaksyon nang malamang bini-video siya ng asawa. 

Sey ni Ellen sa caption, “So Sexy!!!!!! Ulbong Caspa uy (laglag balakubak uy).” Na sinagot naman ni Derek ng, “Bwisit!!!!!!”

Ilang netizens ang nag-react sa video post ni Ellen na karamihan ay nabastusan at na-turn off. Sabi ng isa, “Not good, imagine if it’s you.”

Reply naman ni Ellen dito, “Oh he does it to me too all the time. All is fair.”

Komento ng isa pa niyang IG follower, “I hope these moments will be private for the 2 of you nalang sana.” Na sinagot ni Ellen ng, “Our life our rules our IG.”

“Parang timang naman,” ang pang-ookray naman ng isang netizen. Bwelta naman ni Ellen, “Sino? Ako? Si derek? Or yung videos mo sa profile mo? (laughing emoji).”


Kasunod nito, may mga nanghamon naman sa aktres na kung talagang matapang siya ay ang pagkalalaki naman daw ni Derek ang ipakita niya sa video.

Hirit ng isa niyang IG follower, “Oten reveal (laughing emojis).” 

Ito naman ang challenge sa kanya ng isa pang netizen, “Mhieeee wala bang (eggplant emoji) reveal jan? Charrrr!”

Sagot ni Ellen sa kanya, “You hoe! Not for public consumption. Private property trespassers will be shot in the head (laughing emoji).”

Hindi na nireplayan ng aktres ang iba pang netizens na nagsabing sana raw next time ay ibaba pa niya ang camera para makita daw nila kung may ipinagmamalaki nga ang kanyang asawa.

https://bandera.inquirer.net/304074/shower-video-ni-derek-na-ipinost-ni-ellen-sa-socmed-inalmahan-ng-ilang-netizens

https://bandera.inquirer.net/296737/jennylyn-dennis-isasabay-na-ang-gender-reveal-ng-1st-baby-sa-kanilang-civil-wedding

Read more...