Vice Ganda ibinandera ang bagong luxury car: Parang minamalas-malas ako sa sasakyan

Vice Ganda ibinandera ang bagong luxury car: Parang minamalas-malas ako sa sasakyan

IPINAKITA ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda ang kanyang bagong biling luxury car na Cadillac Escalade sa madlang pipol.

Kuwento ng Unkabogable star, madalas na raw kasing nagloloko ang mga sasakyan niya kaya no choice siya kung hindi bumili ng bago.

“Umorder kami ng bagong caru (sasakyan) kasi parang minamalas ako lately sa sasakyan,” saad ni Vice.

Aniya, noong isang araw nagda-drive daw ay nawalan ng brake ang sasakyang minamaneho niya.

Matagal na raw kasi ang sasakyan na ‘yun at hindi masyadong nagagamit dahil nga pandemic.

Nagloloko rin daw ang sasakyang malaki na ginagamit ni Vice papuntang “It’s Showtime” ay nagloloko naman daw ng aircon.


“Habang nagme-make up ako, naglalapot ako kasi walang aircon… kailangang sinusuntok suntok ‘yung aircon para lumakas o bumukas ulit.

“Tapos ‘yung isang sasakyan na pang-shooting, nangarag rin so parang minamalas malas ako sa sasakyan.

Tila isang sign para kay Vice ang mga naging kaganapan sa kanyang sasakyan kaya naman bumilo na siya ng bago para daw ma-dispose o mabenta na niya ang mga naglolokong caru.

Aniya, noong August pa nila inaantay ang sasakyan ngunit hindi niya bet ang kulay kaya pinabalik nya ito.

Pinangalanan naman niya ang sasakyan na “ES” dahil katas daw mula sa kanyang pagtatrabaho sa “Everybody Sing” ang ipinambili niya sa luxury car.

Sa vlog rin ay pinag-aralan ni Vice ang basic functions ng sasakyan ag sinubukan pa niyang patugtugin ang kanyang kanta.

Super happy naman ang komedyante sa kanyang bagong regalo sa sarili at excited na nga agad itong gamitin.

Deserve naman ni Vice ang bagong caru lalo na’t napakarami rin niyang naging achievement sa nagdaang taon.

Related Chika:
Kyle Echarri nabili na ang dream car sa halagang P3M: It’s crazy!
Megan, Mikael mas naging wais sa pera dahil sa pandemya; nagbenta ng kotse pangdagdag sa ipon

 

Read more...