#Jojowain: Si Ivana Alawi na nga ba ang nagpapasaya ngayon kay Joshua Garcia?

Ivana Alawi at Joshua Garcia

BAGO pa pala ibuking ni Daniel Padilla ang kaibigang si Joshua Garcia sa “Truth or Dare” benefit interactive show ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagyong Odette na crush nito si Janella Salvador ay alam na pala ito ng aktres.

Inamin daw ito mismo ni Joshua kay Janella noong nagkasama sila sa teleseryeng “The Killer Bride” na pinagbidahan nila ni Maja Salvador.

Kaya pala marami kaming naririnig na sobrang close noon ng JoshNella dahil nga open sila sa isa’t isa na at that time ay maugong naman ang balitang nagkakamabutihan na sina Janella at Markus Paterson na ngayon ay may isa na silang anak na lalaki.

Tandang-tanda pa namin sa thanksgiving presscon ng “The Killer Bride” na ginawa sa San Juan City ay isa si Maja sa nagsabing kinikilig siya sa JoshNella at sabi nga niya, “I’m rooting for them e, kaso friendship lang ang puwedeng ibigay ni Janella kay Joshua.”


Anyway, hiningan ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz ng reaksyon si Janella sa sinabing crush siya ni Joshua na makakatrabaho ulit niya ngayon sa “Darna: The TV series.”

Tumawang sabi ng aktres, “Huh! Shockening! Sinabi na niya ‘yun sa akin dati. Nu’ng Killer Bride pa, he told me saka nakita ko rin ‘yung ibang interviews niya dati, so napag-usapan na namin ‘yun ni Joshua.”

Sabay isip kung ano ang naging reaksyon niya noong binanggit ito ng binata, “Natuwa ako sa kanya kasi ‘yung pagkasabi niya sa akin na he really respects me. ‘Yan ‘yung maganda kay Joshua.”
“So, magkaibigan kayo?” tanong ni Ogie kay Janella.

“Very good friend. Magiging masaya rin si Joshua deserved niya ‘yun,” pahayag ng aktres.

Balik-tanong ni Ogie, “Bakit meron ka bang ideya kung sino (bagong nililigawan o karelasyon ng aktor)?”

“Pag-isipan ko muna, sino ba?” biting sabi naman ni Janella sabay tawa.

Anyway, hindi kaya si Ivana Alawi ang nagpapasaya ngayon kay Joshua lalo’t inamin naman niyang nagkakatawagan sila ngayon at diretsong “jojowain” din ang sagot niya nang banggitin ang pangalan ng dalaga sa pagsabak niya sa “Jojowain o Totropahin” challenge.

https://bandera.inquirer.net/295353/ivana-aminadong-nakakausap-si-joshua-alam-ko-nasa-taping-siya

https://bandera.inquirer.net/303905/daniel-ibinuking-ang-matinding-crush-noon-ni-joshua-sa-young-actress-na-mommy-na-ngayon

https://bandera.inquirer.net/296622/joshua-malaki-ang-utang-na-loob-sa-kathniel-sobrang-swerte-ko-na-naging-kaibigan-ko-sila

Read more...