Regine nahuli sa ‘akto’ si Ogie: Lumalandi ka na naman?!

Regine nahuli sa 'akto' si Ogie: Lumalandi ka na naman?!

WALANG kawala ang singer-actor na si Ogie Alcasid nang mahuli siya sa “akto” ng asawang si Regine Velasquez nang dumalaw ito sa studio ng “It’s Showtime”.

Kasalukuyang nagho-host si Ogie ng segment na “Sexy Babe” at nakikipag-usap sa contestant nang dumating si Regine.

Tila caught offguard naman ang singer-actor sa pagdating ng asawa.

“Mahal, ang tagal mo namang dumating. Pambihira naman mahal,” kinakabahang saad ni Ogie.

Tila inilaglag naman siya ni Vice Ganda at nagsumbong pa sa mga ginagawa ng singer-actor sa kanilang show.

“Kitang-kita mo. Sabi ba naman sa amin, ‘Doon na nga kayo, kaya ko ito mag-isa’ kaya kita mo wala kami sa stage,” saad ni Vice.

Todo depensa naman si Ogie sa sarili.

“Wala akong sinasabing ganon, mahal. Sinong paniniwalaan mo, ako o siya?” saad niya.

“Siya. Friend ko siya tsaka may bangs rin siya,” pabirong sagot naman ni Regine.

Pinagpaliwanag rin naman ni Ate Reg ang asawa dahil sa nabalitaan niyang pag-tawag ng asawa ng “darling” sa mga contestant.

“Huling huli ka, lumalandi ka na naman. Ang landi landi mo! Valentines Day pa naman tapos dumadarling-darling. Nakakahurt ng feelings,” sey ni Regine.

Halata namang playtime lang ang ganap at nais lang ring makipagkulitan ng Asia’s Songbird sa mga hosts at pati na rin sa madlang pipol.

Dagdag pa niya, mapapatawad lang daw ni Regine ang asawa kung magbibigay ito ng pera sa kanya pambili ng Hermes.

Napag-usapan rin nila ang aksidenteng pagpapakita ng wetpaks ni Ogie sa national TV.

Bago pa man humaba ang usapan at bago pa man siya ilaglag nang tuluyan ni Vice sa asawa ay hinatid na niya ito palabas ng studio.

Pero nang nasa labas ay may pabirong bugbugan pa ang dalawa kung saang sinampal niya at tinulak papasok sa isang van si Ogie para pauwiin.

Marami namang netizens ang naaliw dahil game na game ang mag-asawa sa kalokohan nina Vice Ganda at Vhong Navarro na kapwa co-hosts ni Ogie sa segment.

Nilinaw naman ni Ate Reg na bati silang dalawa ng asawa sa kanyang Instagram post.

Related Chika:
Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

 

Read more...