Paolo Bediones
NAKATAKDA umanong magsampa ng reklamo ang mahigit 100 production staff including messenger laban sa TV host na si Paolo Bediones.
Nag-ugat ang kanilang reklamo sa hindi diumano pagbabayad ni Paolo ng kanilang sahod sa tamang oras. Ang claim ng complainants, matagal na raw nilang tinrabaho ang kanilang assigned work pero hindi pa kumpleto ang bayad sa kanila.
Ito ay may kaugnayan sa online show na iho-host ni Paolo.
“We were working as early as August, 2020. Nag-start umere ‘yung mga TV lessons namin October, 2020,” say ng aming informant. Ang kumpanya raw ni Paolo ay ang Ei2 Tech, Inc..
“Naku, ‘yan ‘yung quiz show na nakapag-tape na kami tapos hindi kami lahat binayaran. Hindi ko alam kung ano nangyari sa mga suppliers. Nagtrabaho kami ng ilang buwan pero waley,” say pa ng aming source.
Actually, palagi raw sinasabi ni Paolo sa mga disgruntled staff and crew na hindi pa siya binabayaran ng kanyang ka-deal kaya nadi-delay ang sahod nila.
Kinuha namin ang side ni Paolo, at ito ang text message niya sa amin, “The company welcomes the legal process to take place so both parties can clearly be identified and present their side, instead of going to the media where the company may be judged prematurely.
“There have been delays in talent fees and the company is finding ways to rectify the situation by sourcing additional funding.
“The company is also fully aware of its obligations to the freelancers who worked on the project. There are also some areas of dispute and compliance which have yet to be resolved,” dagdag pa niya.
* * *
Masasarap na ngiti ang makikita sa mga mukha ng lahat ng medical frontliners sa San Lazaro Hospital na binahaginan ni Gretchen Barretto ng ilang sako ng bigas (na special rice talaga) last Friday.
Sobra ang laki ng pasasalamat ng resident doctor na si Dr. Cherry Abrenica na naging kaibigan ni La Greta dahil na rin sa tagal ng pagbibigay ng ayuda ng aktres.
“Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong si Gretchen dito sa amin. Dinadala pa n’ya dati ang anak n’ya (Dominique) at mga pamangkin,” say ni Dr. Cherry.
Sa sobrang tuwa ng doktor dahil sa 1,328 sacks of rice na ipinadala ni La Greta para sa buong healthcare workers ng ospital, nagpasadya ito ng imahe ni San Lazaro na hindi raw nabibili sa kahit saang religious stores bilang pasasalamat nila sa palaging pag-alala at pagtulong sa kanila ng aktres.
Present sa pamimigay ng saku-sakong bigas ang isa sa closest friends ni La Greta na si Grace Medina.
Last Sunday, nasa St. Luke’s Global sa Taguig City ang grupo ni La Greta na kinabibilangan ng trusted friends niya like Rusky Fernandez of Resorts World Manila and former actress and businesswoman Ana Abiera para mamahagi ng 3,406 sacks of rice.
Malaki ang pasasalamat ni La Greta sa nasabing ospital dahil dito na-confine at gumaling ang beloved Mommy Inday niya nang magkaroon ang Barretto matriarch ng COVID-19.
Katatapos lang mamigay ng 1,800 sacks of rice ng team ni La Greta sa Philippine General Hospital kahapon where all employees and medical frontliners received a sack of rice.
Ang susunod na tatlong ospital na makatatanggap din ng special gift na bigas mula sa kabutihan ni La Greta ay ang St. Luke’s Hospital at National Children’s Hospital, both in Quezon City, at ang National Center for Mental Health o NCM.
https://bandera.inquirer.net/282193/paolo-may-anak-na-kay-lara-nakatakdang-kasal-napurnada-dahil-sa-pandemya
https://bandera.inquirer.net/303835/gretchen-namigay-ng-libu-libong-sako-ng-bigas-sa-hospital-para-sa-mga-janitor-at-frontliners