Kylie pinatawad na ang sarili kasabay ng ika-29 kaarawan: And I’m a proud mommy! Haberday me!

Kylie Padilla

INISA-ISA ni Kapuso actress Kylie Padilla ang mga na-realize at nadiskubre niya sa kanyang sarili ngayong 29 years old na siya.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng celebrity single mom sa kanyang mga fans at followers ang ilan sa mga life lesson na natutunan niya sa paglipas ng mga taon.

Kahapon, Jan. 25, ipinagdiwang ng estranged wife ni Aljur Abrenica ang kanyang 29th birthday at mukhang happy naman ang aktres kahit wala siyang masasabing partner in life ngayon.

Nag-post si Kylie sa Instagram ng kanyang litrato kalakip ang kanyang “29 hugot” list para sa kanyang sarili, pati na rin sa kanyang pinakamamahal na dalawang anak.

“29 and I like myself

“29 and I believe in myself

“29 and I forgive myself

“29 and I dream for myself

“29 and I prioritize myself

“29 and I choose better for myself

“29 and I stay through the tough times of my personality for my growth

“29 and I know perfection is unattainable and I accept it

“29 and I don’t want to be like anyone but myself or maybe a better version

“29 and I’m just simply me

“29 and expect a lot for my life, because I want the best and only the best for me

“29 and I do all these things so my boys can learn from mom, because it’s not just about me anymore

“I’m 29 and I got two boys keeping score.

“Hihihihi. I’m a proud mommy. Haberday me,” ang kabuuang caption ni Kylie.


Bago ito, may nabanggit din ang Kapuso star para sa kanyang kaarawan. Aniya, may naiisip na siyang “bestest” birthday gift na gusto niyang matupad, pero hindi raw ito para sa sarili niyang kaligayahan.

Ang isinulat niyang caption sa litrato nila ng kanyang anak, “Lapit na bday. Wish ko? Maging healthy ang pamilya ko lalo na mga anak ko.

“And for gifts? There is this climbing frame playground thing I want for my boys LOL nanay na talaga ako,” sey pa ni Kylie na ang tinutukoy ay ang mga anak nila ni Aljur na sina Alas Joaquin, 4, at Axl Romeo, 2. 

https://bandera.inquirer.net/288821/kylie-padilla-nagpatutsada-tungkol-sa-sumpa-may-hugot-sa-isyu-ng-pera

https://bandera.inquirer.net/294293/aljur-kylie-may-comeback-nga-ba

Read more...