Robin nag-alay ng dasal: Maging anuman ang kulay natin sa politika, kailangan natin si Ms. Kris

Robin Padilla at Kris Aquino

NAG-ALAY ng dasal ang action star na si Robin Padilla para sa agarang paggaling at pagbuti ng kalusugan ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ayon kay Binoe, love na love nila ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez ang TV host-actress kaya apektado rin sila sa mga kumakalat na fake news tungkol sa kundisyon ngayon ni Kris.

Bukod sa pagdarasal, nanawagan din si Robin sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na huwag nang magpakalat ng pekeng balita na maaaring magpalala sa kalagayan ng nanay nina Bimby at Joshua.

Narito ang kabuuang FB post ni Binoe para kay Kris: “Bismillah…mahal namin ni mariel si ms Kris Aquino bilang kaibigan at isang nanay. 

“Nalugmok kami sa mga lumabas na masamang balita patungkol sa kanya sapagkat hindi ito makatutulong sa kanyang kalagayan ngayon. 

“Batid ko na ang pulitika ay walang patawad at wala ng makapagpapabago don. Hindi ko rin hinihingi ang awa dahil walang awa sa pulitika, ipinanganak nga ito sa ating bayan na nakabalot sa dugo ni andres bonifacio. 

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika. Kailangan natin si ms Kris. Hindi mabubuhay ang Demokrasya ng Ating Bansa kung walang oposisyon at sa ngayon walang tunay na mukha at kulay ang oposisyon kundi si ms Kris.

“Mga kababayan ipagpanalangin natin ang pagganda ng kalusugan ni ms Kris. Kailangan siya ng mga anak niya. Kailangan natin ang tunay na oposisyon para manatili sa direksyon ang administrasyon.

“Ang lahat ng nasa gitna ng araw ay may Anino. Tandaan natin, Tayo ay mga Pilipino, Tayoy buong katapatan na nanumpa sa watawat ng Pilipinas at sa bansang sinasagisag nito na may dangal, katarungan at kalayaan na pinakikilos ng sambayanang MAKADIOS, MAKATAO, MAKAKALIKASAN at MAKABANSA.

“Let us all wish her well. In shaa Allah,” ang mensahe pa ni Binoe.


Bukod kay Robin, marami pang celebrities ang nangakong ipagdarasal din si Kris.

“Praying for fast healing Ms. Kris,” comment ni Melai Cantiveros sa isang Instagram post ng TV host-actress.

“Hindi ako mapapagod at mawawalan ng pag-asa na ipagdasal ka. Love you @krisaquino pagaling ka na please,” sey ni Pokwang. 

Mensahe naman ni Jason Abalos, “God is with you, get well soon.”

“Praying for your health Kris. Jesus is our miracle healer. He is faithful,” ang komento ni Karen Davila. 

Ito naman ang message ni Sen. Kiko Pangilinan, “Praying for your healing and speedy recovery, Kris.”

Kamakalawa, muling nagbigay ng update si Kris tungkol sa kanyang kalusugan kasabay ng paglilinaw sa mga kumalat na fake news na malubha na ang kanyang kalagayan.

“It’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I’m in the ICU and in critical condition. None of that is true.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away,” aniya.

Dagdag pa ni Tetay, “Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh & Bimb still need me.” 

Pinasalamatan din niya ang kanyang, “real friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ako.

“They want to make me feel their love & affection. You have my lifelong loyalty and gratitude.”

https://bandera.inquirer.net/288054/payo-ni-robin-kay-kylie-sabi-ko-pag-muslimin-mo-na-lang-si-aljur

https://bandera.inquirer.net/298805/kylie-naiyak-nang-tanungin-ni-robin-so-wala-ba-talagang-pag-asa

Read more...