4 na Kapuso host kanya-kanyang hirit ng kanilang kuwentong ‘frogs’ habang naka-quarantine

Lyn Ching, Suzi Entrata, Arnold Clavio at Ivan Mayrina

MAY kanya-kanyang kuwento ang mga host ng morning show ng GMA 7 na “Unang Hirit” tungkol sa pakikipaglaban nila sa COVID-19.

Hindi rin nakaligtas sa bagsik ng virus sina Arnold Clavio, Suzi Entrata-Abrera Lyn Ching-Pascual at Ivan Mayrina na nahawa nga sa kasagsagan ng COVID-19 surge ngayong January.

Nakabalik na sa studio ang mga TV host matapos ang ilang linggong pagse-self quarantine sa kani-kanilang tahanan.

Sa nakaraang episode ng Kapuso morning program, game na game nilang ibinahagi ang kanilang mga kuwentong “frogs” (Gen Z term sa salitang palakas) o ang mga ginawa nilang pagpapalakas kontra COVID-19.

Chika ni Lyn, malaki ang naitulong sa kanya ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain pati ng ang pag-inom ng gamot, at pag-e-exercise.

“Siyempre nag-isolate agad ako, kumain ako ng marami but I tried to be healthy of course, mahalaga rin yung disiplina sa pag-inom ng gamot, vitamins, pagpapahinga, at nag-start din akong mag-exercise, magpapawis, matapos kong maramdaman na pwede na at kaya na ng katawan ko,” aniya pa.

Feel na feel naman ni Suzi noong naka-quarantine siya ang totoong kahulugan ng pagpapahinga, “Very thankful ako na manageable ang naging symptoms ko.

“In my quarantine period dito ko talaga natutunan na malaking bagay ang magpahinga ng husto. Grabe ‘yung 12 hours na tulog ang sarap sa feeling.

“Nagpapasalamat din ako na nu’ng nag-isolate ako ay kasama ko ang aking asawa kasi feeling ko malo-lonely naman ako kung mag-isolate ako na mag-isa lang talaga, kaya siguro na-frogs (napalakas) ako,” dagdag ni Suzi.

Kuwento naman ni Ivan, talagang dinala raw niya ang kanyang indoor bicycle sa loob ng isolation room para masigurong regular pa rin siyang nakakapag-exercise habang nagpapagaling.

“Tulad sa ‘yo (Suzi) mild lang din yung naging symptoms ko. Sa fourthday ng isolation ko naramdaman ko na I was pretty strong enough, ayun nag-bike na ako, dinala ko talaga ‘yung indoor bike ko ‘nung nag-a-isolate na ako dahil alam kong kailangan ko talagang gumalaw,” sey pa ng news anchor.

Hirit pa niya, “Tsaka yung silver lining sa quarantine na ito is it was a good opportunity to really rest.”


Para naman kay Igan, mas lalo pa raw niyang na-appreciate ang sunrise simula nang mag-quarantine siya. Bihira raw kasi niya itong masaksihan dahil napakaaga ng call time niya sa “Unang Hirit”.

“Sa naging quarantine period ko, maganda pala ang sunrise a, na hindi ko nakikita ‘yan dahil nag-u-unang hirit tayo.

“Siyempre nandyan ‘yung pagkain ng masustansya, orange. Aba, nami-miss ko ang pag-inom ng tea,” aniya.

Dagdag pa ni Arnold, “Panay din ang pagmomonitor ko ng oxygen level at body temperature kasi ‘yun daw ang pinakamahalaga dahil hindi mo nakikita at hindi mo nararamdaman ‘yan, e.”

https://bandera.inquirer.net/303143/sa-mga-umaasa-na-ako-ay-lumala-at-tuluyang-mamatay-panalangin-po-ang-aking-alay
https://bandera.inquirer.net/302559/arnold-clavio-nahawa-pa-rin-ng-covid-19-kahit-super-tindi-na-ang-ginagawang-pag-iingat

Read more...