Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids

Rica Peralejo

MARAMING ipinangako sa sarili ang aktres na si Rica Peralejo na hindi niya napanindigan nang dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang mga anak.

Kung may isang mahalagang life lesson na natutunan ang celebrity mom sa kanyang pagiging ina, yan ay ang patuloy na pakikinig at pag-umawa sa mga dyunakis.

Sa isang Instagram post ni Rica, inisa-isa niya ang ilan sa mga bagay na ginagawa na niya ngayon sa kabila ng binitiwan niyang salita noong wala pa siyang pamilya.

Isang litrato ng anak niyang si Philip ang ibinahagi niya sa IG na kamakailan lamang ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan habang nagpapagaling ang kanilang pamilya sa COVID-19.

Aniya sa caption, “2021 was a NEVER SAY NEVER year. It continues in 2022. Or it may be my forever. 

“I said I will never like wearing shoes when working out. I said I will never like high impact exercises. I said I will never bike and yet, here we are. 

“And this time all because of this boy… what the next gen can do to their parents is something else,” aniya pa.


Pagpapatuloy pa ni Rica, “And now that I actually can see why people get addicted to biking that I made myself a mental note: NEVER STOP LISTENING TO YOUR KIDS. 

“I said this elsewhere and I repeat it again: as much as many doors have closed upon me being a mother, so many other ones have opened. So it is never quite a loss to have children. 

“Except at the dinner table, perhaps cause you know, they always get the best piece hahahahahhahaha!

“PS: this guys is 8 years old now and we celebrated a very COVID birthday. All up on the vlog now!” pahayag pa ng hindi na aktibong aktres.

Samantala, sa isa pa niyang IG post, nagbigay naman siya ng hair tips para sa mga aktibong mommy sa panahon ng pandemya.

Ang inilagay niyang caption sa kanyang “bagong-gising” photo, “Gumising akong nagpapasalamat na yung buhok ko ay medyo wash and wear, sleep and wear.

“TIP FOR LIFE: Wag mag hairstyle ng nakakaubos ng buhay at budget sa shampoo UNLESS 1) trabaho mo magmaganda 2) nakakasaya sayong magmaintain ng buhok na kailangang abalahin. If it makes you happy, worth it. if not, cut it! 

Kaya ang asawa ko nagpakalbo na kasi trabaho lang naman nya maging matalino. Good morning, world. Hair or no hair, FIGHT LUNGZ. We are hair for you!”

https://bandera.inquirer.net/289973/rica-peralejo-hinangaan-sa-post-tungkol-sa-self-love

https://bandera.inquirer.net/289356/mag-asawang-rica-peralejo-at-joe-bonifacio-may-6-tips-para-sa-mga-single

Read more...