Andi Eigenmann ibinahagi ang naging weight loss journey

Andi Eigenmann ibinahagi ang naging weight loss journey

IBINAHAGI ng dating aktres at sa ngayo’y vlogger nang si Andi Eigenmann ang kanyang weight loss journey.

Ibinahagi niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram reels, ang kanyang mga ginawang physical exercises gaya ng pagba-boxing.

Pagkukwento niya, umabot ng 175 lbs ang kanyang timbang matapos ang panganganak sa kanyang ikatlong anak na si Koa.

“Was looking for some motivation and found it myself!,” umpisa ni Andi.

“Looking back on the progress I’ve made from gaining 175 lbs in my third pregnancy to losing 50 lbs after 10 months.

Nagsimula ang kanyang journey, dalawang buwan matapos ang kanyang panganganak.

Mula March hanggang Nobyembre ay naging abala si Andi sa kanyang pagbabawas ng kanyang timbang.

Aniya, labis ang naging impact ng kanyang pagkakaroon ng ehersisyo hindi lang physically kundi nakatulong rin ito sa kanyang mental health.

“Suddenly being ‘out of place’ for almost 2 months froze me up quite a bit but I realize how much of an impact physical exercise has really had on my mental health and overall well-being.

“I do have my own personal fitness goals, of course, but exercise and staying active really does so much more to us that keep us fit,” dagdag pa ni Andi.

Labis rin ang naging pasasalamat niya sa kanyang mga naging coach lalo na sa kanyang fiance na si Philmar Alipayo sa pagbibigay inspirasyon, tulong, at sa pagsisigurado na magiging masaya pa rin ang kanyang weight loss journey.

Marami naman sa kanyang mga celebrity friends at mga kilalang personalities ang natuwa sa kanyang kuwento.

“Inspiring,” saad ng kapwa celebrity mom niyang si Melissa Ricks.

“Go Andi! Na-inspire ako,” comment naman ni Katarina Rodriguez.

“Yes! Go Andi,” sey naman ni Pia Wurtzbach.

Hirit naman ni Carla Abellana, ” Go, Mama! So proud of you! And I’m so happy I saw you right before New Year’s, even if it was just to say hi to each other.”

Related Chika:
Andi kinakarir ang fitness journey hindi para magpaseksi: Gusto kong maging best mama sa mga anak ko

 

Read more...