Letran hangad makisalo sa liderato

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
4 p.m. Letran vs Arellano
6 p.m. JRU vs Perpetual
Team Standings: San Beda (10-2); Letran (9-2); Perpetual Help (9-3); San Sebastian  (7-5); JRU (5-6); Emilio Aguinaldo College (5-7); St. Benilde (5-7); Lyceum (4-8); Arellano (4-8); Mapua (1-11)

IBABALIK ng Letran College ang kanilang dating tikas para makasalo uli sa liderato sa pagharap sa Arellano University sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Lumasap ng 76-80 pagkatalo ang Knights sa Lyceum of the Philippines University para sa 9-2 baraha ngunit inaasahang babalik sa dating kondisyon ang Letran lalo pa’t napahinga sila ng 11 araw.

Solo ngayon ang San Beda College sa tuktok ng team standings sa 10-2 baraha matapos kunin ang 71-64 tagumpay sa Emilio Aguinaldo College noong Sabado ng gabi.

Sina Raymund Almazan, Mark Cruz, Kevin Racal at Rey Nambatac ang mga magdadala uli sa laban ng Knights na hiniritan ng 67-57 panalo ang Chiefs sa unang pagtutuos.

Pupuntiryahin din ng University of Perpetual Help ang ika-10 panalo laban sa Jose Rizal University sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.

Read more...